Advertisers
Ni Oggie Medina
LINGID sa kaalaman ng iba, si actress-singer Beverly Salviejo ay dating isang guro sa tunay na buhay. Siya ay nakilala sa sikat na sitcom na Urbana at Feliza bilang kasambahay ni Lou Veloso. Ang Urbana at Feliza ay pinagbidahan noon nina Mitch Valdez at Nanette Inventor.
Simula noon lagi na siyang naiimbitahan sa mga TV show at pelikula. Naging guest siya sa Mel & Jay at nakapanayam ni Jesscia Soho.
Lumabas siya sa ABS-CBN TV series na Forevermore, kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil at sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana. Nandoon din sa nasabing TV series si Marissa Delgado, na naglibre sa amin ni Beverly para sa aking kaarawan sa Via Mare sa Greenbelt Makati noon.
Nakita ko rin siya sa TV series na Imortal, Toda Max, Pintada, Princess and I, My Little Juan, Got to Believe, FPJ’s Ang Probinsiyano, Pusong Ligaw, at Daig Kayo ng Lola ko.
Napanood ko rin sa GMA7’s Wish Ko Lang at tumatak sa akin ang natatanging husay ng kanyang pagganap kaya tinanghal siya ng 2nd Gawad Dangal Filipino Award bilang best supporting TV actress. Nagwagi rin siya sa 7th Asia Pacific Luminare Awards sa Okada Hotel kung saan kaming tatlo nina Elizabeth Oropesa ay ginawaran ng pagkilala. (Pagkatapos ng award nilibre kami ni Elizabeth Oropesa sa isang Japanese restaurant.)
Naging Aliw Awards Hall of Fame awardee na rin siya.
Una kaming nagkakilala sa Tahan-Tahanan sa East Avenue Medical Center kung saan ako ay isang volunteer para sa mga batang may sakit na kanser. Talagang napasaya niya ang mga bata roon.
***
SI Wilson Fernandez ng Liwayway Magazine ay ginawaran din ng parangal noong 2nd Gawad Dangal Filipino Award sa Sequoia Hotel Manila Bay.
Napakabait at napakahusay na photographer at maraming taga-showbiz ang bumilib sa kanyang husay sa pagkuha ng mga litrato.
Minsan sinama siya ni Robert Manuguid Silverio (ang aking kaibigang manunulat na nagdiwang ng 60th birthday noong Hunyo 28) sa opisina ng Philstagers sa Sampaloc, Manila.
Siya’y taga Maynila at nag-aral sa Far Eastern University.
Pwede siyang maging artista ngunit pinili niyang mag-focused sa pagiging maniniyot o litratista (photographer).