Advertisers

Advertisers

Winwyn tanggap na mas maganda si Mommy Alma kaysa kanya

0 288

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA posted pics ni Winwyn Marquez sa kanyang socmed ay may bigla na lang isang lalaking umepal at nagkomento.

Mas maganda raw si Alma Moreno, ina ni Winwyn kumpara sa beauty queen.



Napanood daw nito ang mga film ni Alma noong kapanahunan nito na ang layo nga raw ni Winwyn sa ina noong kapanahunan nito.

Tinawag pa nga na diyosa ng netizens si Alma.

Imbes benggahin ay sinang-ayunan na lang ni Winwyn ang sinabi ng netizen.

Mismong ang beauty queen actress ay sang-ayon sa sinabi ng netizen na true nga raw na maganda ang mudra nito na tunay na diyosa.

Nagsimulang pasukin ni Alma ang showbiz noong 15 pa lang ito noong 1974 at bumida na sa Ligaw na Bulaklak.



Nagkasunud-sunod ang mga sexy film ni Alma na halos lahat ay hit kaya  binansagang Sex Goddess.

Taong 2017 naman nang tanghalin at masungkit ni Winwyn ang beauty title at nagkasunud-sunod na rin ang mga project at dagdag pa ang kanyang pagiging reservist.

May ibang netizens naman na nagsabi na hindi na lang daw dapat ikinumpara ang mag-ina.

Pinuri naman ng netizens ang hindi na pagpatol pa ni Winwyn sa nang-bash sa kanyang kagandahan.

***

Manny Pacquiao pinayuhan ang mga anak na dedmahin ang bashers

IISA lang naman ang payo ni Manny Pacquiao sa kanyang mga anak lalo na’t kilalang personalidad ang kanilang mga magulang.

Kaya madali nang i-bash ang kahit na sino sa miyembro ng kanyang family.

May mga basher naman kasi na hindi na nag-iisip at walang pakundangan kung mag-alipusta ng kapwa.

Kaya payo ni Pacman sa kanyang pamilya if ever na ma-bash ay huwag na nga lang daw ito pansinin at dedmahin na lang.

Pasasaan nga raw ay titigil at magsasawa  ito  kaya the best na gawin ay huwag na nga lang daw pansinin payo pa sa kaanak ng Pambansang Kamao.

Well, well, well…’Yun na!