Advertisers
Naaresto ang dalawang lalaki na tinaguriang “most wanted persons” sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ipinadalang.ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban , 2:00 ng hapon nitong Linggo nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ang 36-anyos na lalaking akusado sa manhunt operation sa L. Angeles St., Brgy. Malinta.
Ang akusado na kabilang sa top 9 most wanted person ng lungsod dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City noong August 23, 2021, para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 – Child Abuse Law.
Ala-1:30 ng hapon nang isilbi naman ng mga operatiba sa 58-anyos na akusado sa loob ng custodial facility unit ng Valenzuela police ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong December 15, 2023, para sa kasong Child Abuse under Sec. 10(A) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.
Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa naturang custodial facility.( Beth Samson)