Advertisers
Ni Rommel Placente
MALAKI raw ang posibilidad na gumawa ng pelikula sina James Reid at ang talent niya sa Careless management na si Liza Soberano. 2018 pa sa pelikulang Never Not Love you ang huling pelikulang ginawa ng actor sa Viva films kasama ang dating nobya na si Nadine Lustre.
Matagal tagal na rin naman daw siyang namahinga sa pag-arte. Halos anim na taon na rin naman daw ang kanyang huling acting project.
“I didn’t quit. I just wanted to do music first because I left that kind of show business, being in a love team and everything,” sabi ni James.
Ibig sabihin ay hindi niya sinasara ang pinto na umarte muli. Nang tanungin siya ng movie project kasama si Liza, mabilis niyang tugon ay malaki raw ang posibilidad na ito.
Samantala, nang tanungin sa kanya kung kumusta na ang aktres sa pangangalaga ng Careless management, sinabi niyang proud siya kay Liza dahil maraming naka-line – up na projects ito at patuloy pa rin ang pag-audition sa Hollywood.
***
AYON kay Michelle Gumabao, sa tuwing nakikita siya ng mga tao ay hindi maiwasang tanungin siya tungkol sa girlfriend ng kapatid na si Marco Gumabao na si Cristine Reyes.
Madalas daw siyang tinatanong kung ano na ang plano ng dalawa, tulad ng pagpapakasal. Kasi raw, madalas din na nakikitang nakakasama siya ng mga ito.
Nakikita naman daw ng sikat na volleyball player na happy ang kanyang brother.’Yun lang naman daw ang importante sa kanya. Lahat naman daw ng ibang factor, hindi na nagma-matter, basta masaya lang ang kapatid aniya.
Kahit daw wala siyang pagkakataon noon na makilala ang aktres, at ngayon na lamang daw dahil nobya siya ng kapatid, masasabi niyang great person ito at alam daw niya na napapasaya nito ang kanyang brother.
“Yun daw ang mahirap sa kanilang magkakapatid, na very close as family kaya kung papasok ka daw sa kanilang pamilya ay pakikisamahan mo daw ang lahat.
Nakakasama at nakikisama naman daw si Cristine sa kanila, kaya parte na ito ng kanilang family.
Pero kung tatanungin daw si Michelle kung kailan ang kasal nina Marco at Cristine, hindi raw niya ito masasagot.
Ang next step, kung kailan mangyayari ay wait na lang daw.
Isa rin daw si Michelle sa masayang-masaya nang malaman niyang nag-declare ng Christian faith sina Cristine at Marco.
Si Michelle naman bukod sa pagiging sikat na volleyball player, pumasok din sa Pinoy Big Brother All In noong 2014, at naging Binibining Pilipinas Globe 2018.
Papasukin sana niya ang showbiz pero naging priority niya ang volleyball Mukhang ngayun ay magtutuloy tuloy na ang kanyang showbiz career dahil ilang events na rin namin nakikitang nag-ho-host ito.