Advertisers
Nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang katao na pinaghahanap ng batas na pinamumunuan ni P/Brig. Gen. Redrico A Maranan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa nitong Hulyo 15, 2024.
Sa ulat ni Fairview Police Station (PS 5) chief, P/Lt. Col. Morgan Aguilar, nadakip si Ricky Santos, 50-anyos, residente ng Brgy. Greater Fairview, Quezon City at tinuturing No. 4 Most Wanted Person ng istasyon. Siya ay naaresto 10:30 ng gabi sa loob ng Smart Move Inc., Brgy. Hoyo, Silang, Cavite
May pending Warrant of Arrest si Santos para sa kasong Rape sa Branch 106, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.
Habang nadakip naman ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni PLt. Col. Romil Avenido ang No. 8 Most Wanted Person ng kanilang istasyon na nakilalang si Dennis Limbo, 38-anyos at residente ng Brgy. Commonwealth, Quezon City. Siya ay nadakip bandang 3:45 PM sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Si Limbo naman may pending Warrant of Arrest para sa kasong R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act as amended by R.A 11648) na inisyu ng Branch 99, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.
Samantala, nadakip din ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa ilalim ni PLt. Col Leonie Ann Dela Cruz ang No. 5 Most Wanted Person ng istasyon na nakilalang si Josefa Bulan, 41 – anyos, ayt residente ng Brgy. Payatas, Quezon City. Siya ay naaresto dakong 2:00 PM sa No. 5 Sierra Madre St., Group 2 Area B, Brgy. Payatas, Quezon City.
Si Bulan, may Warrant of Arrest para sa kasong R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)) na mula sa Branch 228, RTC, National Capital Region, Quezon City.
Nadakip din ng istasyon ang
No. 7 Most Wanted Person na nakilalang si Reynaldo Mensurado, 45-anyos, at residente ng No. 41, Visayas St., Group 3, Area B, Brgy. Payatas, Quezon City.
Dakong 5:05 ng hapin nang madakip si Mensurado sa No. 41 Visayas St., Group 3, Area B, Brgy. Payatas, Quezon City. Siya ay may warrant of arrest para sa kasong R.A 9165, mula sa Branch 103, RTC, National Capital Judicial Region, Quezon City.
Sa operasyon naman ng Pasong Putik Police Station (PS 16) sa ilalim ni PLt. Col. Josef Geoffrey Lim, nadakip naman si Melvin Umali, 22-anyos at residente ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Siya ang No. 1 Most Wanted Person ng istasyon at nadakip dakong 11:20 PM sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology, National Capital Region, Caloocan City Jail, Brgy. Dagat-Dagatan, Caloocan City.
May Warrant of Arrest naman si Umali para sa kasong Murder na inisyun ng Branch 220, RTC, National Capital Region, Quezon City. (Almar Danguilan)