Advertisers

Advertisers

ISANG MAINIT NA PAGSALUDO KAY BRIG.GENERAL RODOLFO S. AZURIN JR. NG PNP-PRO 1

0 366

Advertisers

Isa ang Police Regional Office1 (PRO1) dito sa Luzon ang may pinakamababang datos pagdating sa presensiya ng illegal drugs activities.

Isa rin ito sa mga police commands ng PNP na may pinaka-agresibong kampanya laban sa criminal activities at pagtugis sa mga wanted persons.

Sa pagbisitang ginawa kamakailan ni Lieutenant General Cesar Hawthorne R Binag,PNP deputy chief for operations sa headquarters ng PRO 1 sa Camp General Oscar Florendo, pinuri nito ang kalidad ng liderato ni PRO 1 Regional Director Brig.General Rodolfo Azurin Jr. sa pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas (wanted persons) at ang pinaigtIng na kampanya ng nasabing command laban sa iligal na droga.



Nagtungo sa PRO 1 headquarters ang No.3 man ng PNP upang igawad ang pagkilala sa mga opisyal at tauhan ng PRO 1 na nagpakita at nagpamalas ng “outstanding performance na nakatulong ng malaki sa operational accomplishments ng nasabing police force.

Pinuri rin ni Lt.Gen. Binag ang leadership style ni RD Azurin na nagresulta ng pagkakahuli sa maraming bilang ng mga kriminal na may ilang panahon ding namahay sa nasabing area.

Nito lamang Nobyembre 25, nasakote sa isang buy-bust operations ng La Union Provincial Police Office ang itinuturing most wanted person ng probinsiya na si Christian Rivera, pinuno ng dreaded Rivera Drug Group sa Urbiztondo, San Juan, La Union.

Ang PRO 1 ang nakakasakop sa apat na malalaking lalawigan sa norte gaya ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan kung saan pinamamahayan ito ng milyong katao o mga residente.

Para mamintine ng kapulisan ang peace and order situation ng ganito kalaking lugar in terms of population and land area,, kinakailangan ang isang mahusay at dedicated officer na magmamando sa kanyang mga tauhan.



At iyan nga ay si General Azurin na hands on sa kanyang tungkulin bilang regional commander.

Leadership by example ang ipinakikita nito sa kanyang mga opisyal at tauhan.

Walang favoritism at sadyang tunay na isang workaholic police officer na nirerespeto ang kanyang uniporme at kapangyarihan sa pagkakaloob ng TAPAT na serbisyo sa mamamayang umaasa sa kapulisan.

Naka-focus sa internal cleasing program ang pamunuan ni Gen. Azurin hindi lamang dahil sa ito ang ipinag-uutos ng batas at ng administrasyong Duterte, kundi bagkus may layong ibalik sa lalong madaling panahon ang nawalang tiwala ng tao at ng sambayanan sa kapulisan.

Marubdob ang naisin ni Azurin na mabalik sa kapulisan ang respeto ng mamamayan sa men in uniform upang ang mga ito ay makapagkaloob ng serbisyo ayon sa sinumpaang nilang tungkulin na “to serve and protect” the people.

Maganda rin ang ugnayan nito sa mga halal na opisyal ng mga LGUs hanggang sa barangay levels dahil para kay Azurin, isa itong force multiplier na malaki ang maitutulong sa pananatili ng kaayusan at katahimikan ng bawat pamayanan.

Alam ng heneral na di kakayanin ng PNP at ng kanyang command in particular na mabantayan ang kanilang buong AOR on a 24/7 basis dahil na rin sa kakulangan sa manpower at iba pang material resources gaya ng mga sasakyan, communication equipments and the likes.

Pero kung may pagtutulungan ang pulis at ang sambayanan at ang mga local leaders ng bawat barangay, bayan, siyudad at lalawigan, malaki ang ikagagaan nito sa trabaho nilang mga alagad ng batas.

Bukod sa maka-Diyos at maka-taong pamamalakad ng kanyang police command, istrito ngunit may puso ito sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga kapwa opisyal at mga tauhan hindi upang siya ay abusuhin kundi bagkus siya ay igalang at gawing ehemplo.sa kanilang pang-araw-araw na pagtupad ng kanilang tungkulin.

Bagamat hindi maiiwasang may sablay sa performance ng mga kapulisan ng PRO 1, naniniwala si Azurin na hindi bababa sa 90%na bilang ng mga pulis ang nanananitiling tapat sa propesyon at sa institusyon.

Bagamat may iilang ‘bad eggs’ na nananatili sa serbisyo, malaking bahagi na ng ma ito na itinuturing anay sa kanilang hanay ang naitiwalag na lalo na yaong mga binansagang “Ninja Cops o yaong mga pulis na nakikisawsaw sa illegal drug dealings.

Maipagmamalaki ng PRO 1 na halos nawalis nang lahat ang mga ganitong uri ng pulis sa kanilang hanay.

Pati ang problema sa insurgency ay na-contain na rin dahil sa regular na pakikipag-ugnayan ng pulis sa tao at mga lokal na lider.

To cut the story short, napatunayan ni General Azurin na sa loob ng panahong pananatili nito sa nasabing police command, napakalaki na ang kanyang naiambag sa layong mapanatiling tahimik at maayos ang nasabing rehiyon sa tulong na rin at dedikasyon ng kanyang mga opisyal at tauhan.

Cheers and congratulations to Gen. Azurin for a job well done!

Mabuhay ka General and may your tribe increased!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com