Advertisers
NAGWAGI ang National Capital Region (NCR) laban sa Central Luzon, 86-71, para maangkin ang gintong medalya sa Palarong Pambansa secondary boys’ basketball sa University of San Carlos gym sa Cebu City Lunes.
Ang bronze medal ay napunta sa Davao Region.
NCR ang tinanghal na kampeon sa secondary girls’ division habang ang Central Visayas at Central Luzon lumapag sa second at third, ayon sa pagkakasunod.
Sa elementary boys,Nasungkit ng Western Visayas ang gold medal, Central Luzon binulsa ang silver at NCR nakuha ang bronze.
Sa secondary 3×3 basketball, Nakalawit ng Calabarzon ang boys’title kontra Central Luzon habang ang Western Visayas ang third.
Centra Visayas sinako ang gold medal sa girls’division, NCR binulsa ang silver medal at Davao Region kinamkam ang bronze.