Advertisers

Advertisers

Notorious holdaper at tulak, patay sa drugbust

0 207

Advertisers

NAPATAY ng pulisya ang isang tulak na responsable sa panghoholdap nang manlaban sa isinasagawang buybust sa Brgy. Sabang Naic Cavite , kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang napatay na si Dennuke Evangelista alias “Denok”, 26, walang asawa, residente ng Brgy. Ibayo Silangan, Naic Cavite.
Sa ulat, 7:15 ng gabi ng magkasa ng buybust ang Naic SDEU sa Brgy. Sabang, Naic
Habang isinasagawa ang bilihan, nakaramdam ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kung kaya agad itong tumakbo at pinaputukan ang grupo.
Dito na nauwi sa habulan at palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang suspek. Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi lamang umano sa pagtutulak ng droga kilala ang suspek gayundin sa panghoholdap.(Irine Gascon)