Advertisers

Advertisers

1,904

0 6

Advertisers

ANO ang bilang na iyan?

Yan ang dami ng mga dating rebelde na nahikayat nang magbalik-loob sa pamahalaan dahil sa matagumpay na Local Peace Engagement (LPE) ng gobyerno, na ginamit sa 299 barangay sa buong bansa sa unang semestre pa lamang ng taon na ito.

Ang LPE Cluster ay sangay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na siya ring nag-ulat na, 1,266 sa bilang na nabanggit, ay mga New People’s Army (NPA) at ang 638 na nalalabi ay mga Militia ng Bayan (MB) naman.



Ito raw ang magiging pundasyon, upang maipagpatuloy ang programa, sabi ni Atty. Wilben Mayor, Presidential Assistant at Undersecretary ng Local Conflict Transformation Cluster, ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity 9′ OPAPRU.

Tinutukoy ni Mayor ang tinatawag na Tracks 1 at 2 ng LPE at Transformation program, na kinabibilangan din ng konsultasyon sa mga komunidad sa mga kanayunan, problem-solving sessions at local peace dialogue. Ito rin ang nakapagpahina sa puwersa ng NPA, na ngayon ay nasa 1,251 mula sa 24,000 noong mga ’80s.

37 mga ‘key leaders’ ng NPA din ang kasamang “naneutralized,” na siyang mga panauhing karakter ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nagkakalat ng lagim sa ating mga kanayunan.

Kung ganyan ang takbo ng ating pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF, naniniwala na ako, na nalalapit na ang pagka-lusaw ng mga komunistang-teroristang sa ilalim ng Bagong Pilipinas ng Administrasyong Marcos.

“On the right track,” ika nga, ang landas nating tinatahak sa larangan ng pakikipag-laban sa CPP-NPA-NDF.



Sabi nga ni Mayor, ang bunga ng pagsisikap ng kanilang cluster ay ang maraming pagsuko ng mga rebelde, at sigurado siyang marami oa ang susunod.

Isyu ang kanilang tinututukan dito. Ano bang isyu ang pinupush nitong mga NPA? Kahirapan?

Inaaddress na yan ng NTF-ELCAC, kaya nga nagbalik-loob na ang karamihan sa NPA fighters. Napagtanto na ng mga ito na walang saysay ang ideolohiya nilang pinangangalandakan sa ating mga kababayan. Dahil timalikuran na rin sila ng kanilang mga taga-suporta na ang hangad lamang ay katahimikan sa kanilang mga barangay o’ komunidad.

Nang makita ng ating mga kababayan sa mga kanayunan ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng NTF-ELCAC, tinalikuran na nila ang CPP-NPA-NDF. So saan na pupunta ang mga ito?

Eh di sa pagsuko, at pagbabalik-loob sa pamahalaan. Sa ganitong paraan, natutulungan pa ang dating mga rebelde nang tamang pagmamahal sa bayan – ang sumunod sa batas at mamuhay nang tahimik.