Advertisers
SAKTONG isang taon ang nakalipas, bumaba ang pasya ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) na itinutuloy ang formal imvestigation kay Gongdi at mga kasapakat tungkol sa hablang crimes against humanity na isinampa nina Sonny Trillanes, Gary Alejano, at mga grupong makakaliwa sa malawakang patayan, o extrajudicial killings (EJKs) kaugnay sa madugo pero bigong digmaan kontra droga.
Ibinasura ang apela ng gobyerno ng Filipinas na suspendihin o kaya wakasan, ang nakatakdang formal investigation kay Gongdi at kabarkada. Sumulong ang sakdal laban kay Gongdi at mga kaalyado sa nakalipas na limang taon. Ito ang isang bagay na hindi inakala ni Gongdi at sampu ng kanyang mga kasama sa giyera kontra droga.
Ang tingin niya sa ICC ay hindi nalalayo sa tingin niya sa husgado ng Filipinas. Ang buong akala niya ay nasusuhulan ang mga mahistrado sa ICC tulad ng mga hukom sa iba’t ibang korte sa bansa. Hindi umubra ang kanyang mga bluff. Hindi siya umubra sa ICC.
Dahil dito, nagsalita si BBM na wawakasan ng gobyerno niya ang anumang pakikipagtalastasan sa ICC. Hindi nagsampa ng pangatlong apela ang gobyerno ng Filipinas dahil pagtatawanan na ito. Bagkus, nanahimik na lang si BBM at hinayaan ang proseso na gumiling ayon sa nakatakda. Pero iba ang unawa ni Gongdi at mga kasapakat.
Ang kanilang buong akala ay pipigilan ni BBM ang proseso at bibigyan ng proteksiyon si Gongdi at ang kanyang gang g mga kriminal. Hindi ito nangyari at noong Oktubre, malayang nakapasok sa bansa ang mga opisyales at tauhan ng ICC. Isinagawa ng walang publisidad ng imbestigasyon kay Gongdi at mga kasapakat.
Kinapanayam at kinumpirma ang mga sinumpaang salaysay ng mga pamilya ng mga biktima ng EJKs at mga testigo upang kunin ang buong larawan ng war on drugs ni Gongdi. Ipinagputok ito ng butse ni Gongdi sapagkat hindi ibinigay ang inaakalang proteksiyon sa kanya ni BBM. Tuloy ang formal investigation.
May mga kumalat na balita na maaaring hulihin si Gongdi at ilang kasapakat sa alinman sa buwan ng Hunyo at Hulyo ng taong ito. Ayon kay Sonny Trillanes, nakalap niya ang balita na dadakpin si Gongdi mula sa kanyang source sa ICC. May sapat a dahilan kung bakit labis na kinakabahan ang kampo ni Gongdi.
Matindi ang kaba ni Gongdi na bumaligtad ang ilang heneral ng ICC na sangkot sa mga EJKs. May mga banta na ididiin si Gongdi sa sakdal dahil ang huli ang nagbigay ng order ng gamitin ang Philippine National Police bilang kasangkapan ng EJKs. Pinatay ng maraming opisyal at pulis ang libo-libong mamamayan na pinaghilaang adik or tulak ng ipinagbabawal na droga. Wala asunto sa husgado at basta pinaghinaalaan, kagyat na pinatay sila.
Ano ang kahihnatnan ng formal investigation ng ICC? Hindi ito iniurong batay sa ICC. Wala itong pahayag na wala na ang sakdal. Kasalukuyan itong gumugulong. Maari mag-isyu ang ICC ng arrest warrant. Kahit hindi na opisyal na kasapi sa ICC ang Filipinas, may poder ito upang dakpin si Gongdi. Hindi hadlang ang paghiwalay ng bansa sa ICC upang hulihin at ikulong si Gongdi, at sumailalim ng paglilitis ng ICC.
Tandaan: Buhay ang sakdal laban kay Gongdi atmga kasama. Gumigiling ang proseso at kabadong-kabado si Gongdi at mga kasama tulad ni Bato at Bong Go. Maaari silang dakpin anumang oras. Pinabayaan na sila ni BBM. Walang proteksyon sa kanila ang gobyerno.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “IT WOULD be suicidal for Rodrigo Duterte to hire the likes of Harry “The Queef” Roque, Sal Panelo, or even Ferdie Topac to constitute his battery of lawyers to face his charges against humanity before the ICC. They are just noisy. Their names have not been tarnished with court victory. Gongdi will be forced to hire foreign lawyers, who will charge him with astronomical fees for their professional services.” – PL, netizen, kritiko
***
NAPULOT lang namin sa social media:
REALITY CHECK
CHINA’S military is flooding social media of video clips about its military might. But China has limited war experience. It’s doubtful if it has sufficient and sustainable military doctrines, unlike the U.S., which has been involved in every conceivable modern war. In war, it’s a battle of doctrines.
Its war experience is limited to its limited participation in the Korean War in the 1950s. Its “human wave” infantry attacks of its army is an outmoded doctrine that would not stand a ghost of a chance in modern warfare. Also, its war experience is limited border skirmishes with its neighbors like India, Vietnam, and Russia.
Moreover, its subjugation of the ethnic Tibetans of Tibet Autonomous Region and Uighurs of Xinjiang Autonomous Region could not be considered modern warfare.
China has a cultural – or even civilizational – mindset to produce clones o anything substandard so long as it’s cheap, handy, and easily available. It has never learned to strive for the best or to be on top of the line. Now, they want to rule the world.
It’s doubtful if China has its modern version of doctrine of overwhelming force, which the U.S. has used in the Gulf War in the late 1990s, or the doctrine of supreme mobility, which although its did not have the gargantuan multinational force in the 2000s, was used efficiently to subdue Iraq.
***
Email:bootsfra@yahoo.com