Advertisers
DAHIL sa post ng Dreamscape Entertainment sa kanilang socmed na larawan nina Coco Martin at Piolo Pascual at may pa hashtag pa sa pics na The Ultimate Star and the Primetime King sabay sabi na abangan!?
Kaya napaisip ang netizens na tila may pahiwatig ang Entertainment company na magsasama sa isang project sina Piolo at Coco.
May hinala rin ang netizens na baka malapit nang mag guest sa Batang Quiapo ni Coco si Piolo.
Oh kaya naman ay si Coco ang magge guest sa Pamilya Sagrado ni Piolo kaya biglang na excite ang netizens sa larawan na magkasama sina Piolo at Coco.
Dahil sa photo na magkasama sina Piolo at Coco biglang humirit ang fans ng Piolo at Juday Santos.
Kailan naman daw ang reunion movie nina Piolo at Juday.
Mantakin mo yan na may mga fans pala ang tandem na Juday at Piolo.
Pero ang inaabangan ay itong project na pagsasamahan nina Coco at Piolo.