Advertisers
Ni Beth Gelena
PINASALAMATAN ni Baron Geisler si Piolo Pascual dahil sa career break niya sa Moro film ni Direk Brillante Mendoza.
Very grateful si Baron kay Papa P dahil kung hindi raw sa tulong ng actor ay hindi siya mabibigyan ng big break.
Aniya, “I wanna thank Mr. Piolo Pascual we shot this nung 2019, this is my first big break in Philippine cinema. Ito ‘yung first big role ko po nung 2019 nung galing akong preso at rehab. I prayed for a miracle. After a few months of fervently praying, God answered it with a call from direk Brillante Mendoza. Sabi niya, ‘O Baron may gagawin tayong pelikula magkapatid kayo ni Piolo pag-aralan mo ‘to.’ Sabi ko, ‘Sige po, direk,'” kuwento ni Baron.
“Two months ako nag-immerse. Pumunta ako ng Davao, nag-enjoy ako sa Davao, tapos nung nasa Davao na ako minemorize ko ‘yung ibang lines. Tumawag si Piolo, ‘O Baron ikaw na ‘yung gagawa nung kay Piolo. He’s so busy daw hindi niya magagawa. Ikaw na muna bida dito ha!’ Sabi ko, ‘Talaga po? Na-memorize ko na po eh, hindi i-memorize mo ‘yung kay Piolo.’
So dumating kami sa set. Nagkita kami ni Mr. Piolo Pascual and you know I can’t thank you enough I’m so grateful bro to be part of this film and pinagbigyan mo ako na magka-break sa industriya. And after that nagsimula na akong kunin sa mga bigger projects. So thank you so much and to direk Brillante also.”
Ang role ni Baron ay si Abdel samantalang si Papa P takes on the character of Jasim in the movie Moro.
Ipalalabas sa
Netflix ang nasabing movie sa July 19.
***
RICCI PINAHIYA NG ISANG MUSE SA GUINOBATAN
KASAMA ang ilang basketball players ay pumunta ng Guinobatan sina Ricci Rivero para maglaro doon.
Pinagsalita ang mga muse ng bawat team para ipakilala ang kanilang sarili.
Isang muse ang nagbigay muna ng maigsing speech, bago ito nagpakilala.
Ang introduction ng muse, “Basketball player ka ba? Kaya pala nangangamoy babaero ka.”
Natameme si Rivero sa narinig lalo na nang i-call out siya nito para magpakilala.
“Hi Ricci, ako pala si Andrea, pero hindi ‘yung dati mong sinisinta.”
Naghiyawan tuloy ang mga nasa event, samantalang speechless lang ang ex ni Andrea Brillantes.
Komento nga ng isang netizen, “Lakas mo ate gurl hahahaha’
Sa puntong ito ay tila pinahiya ng muse si Rivero.
Anyway, sina Andrea at Ricci ay naghiwalay last June 2023 at may bago na ring karelasyon ang basketbolista, si
Leren Mae Bautista.
Si Andrea ay nananatili pa ring single hanggang ngayon.
***
MERYLL MAY MADAMDAMING POST PARA KAY KUYA Wil
MAY heartfelt post ang panganay na anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano sa ama.
May bagong uploaded photo na binahagi si Meryll mula sa bagong studio na pagtatanghalan ng bagong show ni Kuya Wil.
She also uploaded pictures with her dad and her siblings.
“WE ARE SO PROUD OF YOU, PAPA!!! Nagsimula na ang panibagong programa para sa bayan! Dahil kayo ang bida! WIL TO WIN!!! Ngayong hapon na! Mula Lunes hanggang Biyernes. Mapapanuod sa TV5.”
“Napakasaya ko at ng mga taong nakakaunawa na sa entablado ang tahanan ng aking Tatay. Dito siya nakakatulong at nakakapagbigay ng tunay na serbisyo sa tao. Taos puso akong nagpapasalamat sa @tv5manila sa pagkakataong ito. At taos puso akong nagpapasalamat sa mga tao na bumubuo ng Wil To Win. Napakaganda! Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta kay Papa. Kayo ang tunay na bida sa programang Wil to Win!” “CONGRATULATIONS @wiltowinofficial! At sa mga bagong kasama na hosts, dancers at production… thank you from the bottom of my heart. What a great new journey for all of us!”
Si Meryll ay daughter ni Kuya Wil kay Maria Victoria Soriano, sister ng famous actress Maricel Soriano.