Advertisers

Advertisers

Ngayong Nov. 29 at 30… ‘Sariling Atin’ ni Ivy Violan at ilang OPM artists, tutukan sa KUMU account ni AvaAva

0 330

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

INAABANGAN na ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang ilang mahuhusay na OPM artists kasama na ang mga baguhan pero talentado sa pagkanta at pagpe-perform, sa isang natatanging pagtatanghal sa KUMU account ng Asia’s Diva & Festival Queen na si Ivy Violan aka AvaAva.

Pinamagatang Sariling Atin, gaganapin ito ngayong Nov. 29, Linggo, 7pm (California time) at bukas, Nov. 30, Lunes, 10 ng umaga (Manila time).



Sa produksyon ng BahayNiOne at ni Ms. Anna Ylagan, bukod kay Ivy, tatampukan ito ng iba pang kilalang mahuhusay na singers gaya nina Dessa, Frenchie Dy, Jam Morales, Beverly Salviejo, Lance Raymundo, gayundin ng mga bagitong singers na sina Alpha Christine, Andrew Fernando, A-Sher, Larissa Pabalan, Jeanette Trevias, Angela O’La, Rhy Deles, Nicole Sync, Jojo Riguerra, Chester Ongsioko Rodriguez, Mara Meleena, Rowena Lontoc-Sikko, Rhy Deles, at Jojo, Riguerra, O’Win.

Muling ipamamalas ang kanilang husay ng  mga beterano na sa larangan ng musika na sina Homer Flores, Butch Miraflor, Rica Arambulo, Ernie Baladjai, at George Tagle.

Magsisilbing co-hosts naman sina Chie 526, Angelle Co, Ava Manon, at Noel Ferrer.

Naghanda ang mga  nasabing OPM singers ng magagandang awitin na tiyak na maiibigan ng viewers na tututok sa ilang oras na show ni Ava (Ivy) kaya i-follow na siya sa KUMU application.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">