Advertisers
Ni Oggie Medina
NOONG ininterbyu ko si Cesar Cosme (nagtapos ng high school sa St. Andrew’s School Paranaque) para sa Philippine Star, inanyayahan niya akong lumabas sa GMA7’s Bubble Gang bilang tagamasid lang at wala naman sasabihing dialogue. Pumayag ako para masubukan ko. Nasa eksena kasi si Jean Garcia.
Pero nagulat ako nang ininterbyu ako ng mga estudyante ng Ateneo at ano raw ang naging feeling ko na sumali sa Bubble Gang show ng gabing iyon. Ang sagot ko ay upang masubukan ang mga maliliwanag na ilaw, walang dialogue at mata lang ang ginagamit sa pag-arte.
Pinakain muna ako ni Cesar Cosme sa loob ng GMA7 dahil matagal pa ang eksena. Masayang nakihalubilo ako kina Michael V., Kim Domingo, Antonio Aquitania, Paolo Contis, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Diego Llorico (mabait at mapagkumbaba siya), Betong Sumaya (kasama siya sa Setyembre 1, 2024 sa Japan para sa GMA Sparkle Goes to Japan), Wendell Ramos, Buboy Villar, Juancho Trivino, Sef Cadayona, Archie Alemania, at Andrea Torres.
Inabot kami ng hatinggabi sa taping.
***
NAG-SHOOT naman sa bahay ko ang ABS-CBN’s TV series All of Me, na idinirek ni Dondon Santos. Tatlong oras lang nila ginamit ang house ko. Si Yen Santos ay nasa tent at di tumuloy sa bahay ko. Sina Sue Ramirez (nakigamit ng toilet sa bahay ko), Rayver Cruz, Arron Villaflor, Jordan Herrera, at Junjun Quintana ay pumasok sa bahay ko. At ang aso kong si Blackie ay magiliw na nanonood sa kanila.
***
NABATID ko kay Josefina M. Salvador, pangulo ng Liberty Insurance Corporation (LIC), na si actor-TV host Dingdong Dantes ang endorser ng non-life insurance LIC na nagbibigay rin ng insurance sa mga kasambahay tulad ng mga yaya, housekeeper, tagapagluto, tagapaglaba, caretaker, hardinero, at maging sa personal o family drayber; PadyakSure para sa mga biker at sa kanyang bisikleta; at Liberty MePets para sa mga FurParent at sa Furbaby/ies.
Tinatag ang LIC noon 1953 pa at ang kasalukuyang chairman ay si Fernando C. Cojuangco.