Advertisers
Ni Jovi Lloza
KATAKUT- takot na pamba-bash ang inani ni Alden Richards sa mga bashers.
Marami ang gigil na bashers kay Alden.
Namataan nila si Alden sa It’s
Showtime para mag-promote ng bago nitong serye sa GMA.
Gulat nga ang mga host na sina Vice Ganda at Kim Chiu na lumapit pa si Alden sa audience na never nagawa ng iba pa nilang guest dati.
Kaya di maka-move on ang mga bashers at halos ilampaso na si Alden.
Binalikan nila ang sinabi ni Alden dati na sa Eat Bulaga lang ito aapir pero nang mawala ang EB orig hosts.na TVJ ay di na rin nasilayan ang presensya ni Alden.
Ayaw daw paninindigan ni Alden ang salita na nalusaw na.
May isa namang netizen na nagtanggol kay Alden at sinabi nito na wala raw pahayag si Alden na di ito magge-guest sa IS.
***
SA post ni Ellen Adarna sa 6th birthday ni Elias, anak nito kay JLC siyempre kasama ang mister na si Derek Ramsay sa isang Japanese resto.
May pa tagline caption pa ito sa larawan na kanyang ibinahagi.
Sey pa ni Ellen, “happy birthday my little boy na never be little but be loved”.
Maraming netizens ang nag wish sa birthday ng anak.
Pero may isang komento na napansin ni Ellen na tila bina-bash ang haircut ng mister.
Wika ni Ellen na “mind your own business not the other kaw ba ang nagpa-feed sa amin at wagas ang pakikialam mo manong”.
Kinuyog ng nerizens ang nambash sa buhok ni Derek.
Na kahit ang aktor ay inokray okray na rin ang nambash sa kanyang new haircut.