Advertisers
Ni Beth Gelena
HINDI na nakapaghintay si Liza Diño na ang mag-asawang Ria Atayde at Zanjoe Marudo ang mag-annouce ng gender ng kanilang coming baby.
Inunahan na sila ng wife ni Ice Seguerra, ang former FDCP chair Liza.
Nagpost si Dino ng kanilang photo ni Ria sa kanyang Facebook account.
“It’s a boy for our baby sister Sophia Atayde. Patay kabirth month ni Ice ang magiging baby mo. Good luck! Hahaha. Lab yu sis!” caption ni Liza
Sey naman ni Ice, “Baka ka birthday ko pa. Good luck talaga, Sophia. Haha! Love you so much”
***
NAGLABAS ng sama ng loob si Nadine Samonte sa nangyari sa kanya sa GMA gala, kamakailan.
Nahingan ni Ogie Diaz ang Kapuso aktres nang pahayag hinggil sa nangyari sa kanya sa event. Nabalita kasi na nawalan ng mesa si Nadine kahit imbitado siya.
Agad naman daw siyang nag-confirm matapos matanggap ang invitation. Kwento niya, “Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that’s the right word na parang ‘what happened?’. Parang ganun yung nangyari sa akin. So, my team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako ‘don.”
“This gala nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos… And yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang.” “‘Nung binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. ‘Pag hindi ka raw kasama sa RSVP, hindi ka raw makakapasok. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige It’s okay. And then pagdating ko ‘don… my name was not on the list. Okay, sabi ko pero nag-RSVP po ako. My handler was there also. Ta’s sabi, e wala ka po dito, ano po bang apelyido? Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na… Sabi ko, meron po akong show ngayon, ‘yung ‘Forever Young’ pero hindi pa ini-air.
“They were looking, they were thinking saan ako iuupo. Sabi, o sige upo ka nalang dito kina Althea kasi may isa pang seat na pwede. So binigyan nila ako ng number, when I went inside, sobrang puno nung table and all of their names were there.”
Nabigyan naman daw siya ng mesang mauupuan, yun nga lang, siya na lang mag-isa doon at nilalapitan na lamang siya ng ibang mga kapwa artista.
“It was dulong-dulong table, and walang nakaupo ‘dun, Ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa’kin na parang Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?” Sa kabila nito, inunawa pa rin ni Nadine ang nangyari at nagpapasalamat pa rin sa GMA. Hiling lamang niyang maging maingat na ang mga organizers nito sa susunod.
“Masama lang talaga ‘yung loob ko Tito Ogie. pero it’s okay. I’m thankful naman sa GMA kahit papano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I’m thankful also kasi meron akong bagong show with them.”
“I hope next year, the production will be more vigilant.”
Dapat gawan ng aksyon ng GMA ang isyung ito hinggil sa kanilang artistang pinagmukhang kawawa sa nasabing okasyon.
***
BOSS TOYO SINOPLA ANG DETRACTORS
RUMESBAK si Boss Toyo sa mga kumukuwestiyon ng pagdalo niya sa SONA 2024.
Si Boss Toyo o Jayson Luzadas in real life, ay prangkang sinagot ang mga nagki-criticize nang pagdalo niya sa third SONA ni Pres. Bongbong Marcos. Sa kanyang Facebook account, ibinahagi niya ang kanyang photo showing him posing for a selfie at the Batasang Pambansa.
Aniya sa kanyang FB, “Nagtataka ako bakit me mga taong nagkukuwestiyon bakit ako nasa SONA. Bakit bawal po ba ang isang content creator dito? Bawal po ba ang isang tulad ko dito? Bawal ba dahil hindi ako politiko? Bawal ba dahil ‘di mataas ang antas ko sa lipunan?”
Pahabol pa niya ss kanyang detractors, “Masyado kayong nanghahamak ng tao.”
“Gusto ko marinig kung ano ang sasabihin dahil isa akong Pilipino at me paki ako sa bayan ko. Wala ako nakikitang masama kung andito ako or kahit sinong tao andito. Pilipino ako at me paki ako sa bayan ko. Si toyo toh mah men.”