Advertisers

Advertisers

2 na-rescue sa nasunog na gusali sa Maynila

0 6

Advertisers

Nasagip ang dalawang katao mula sa nasunog na gusali sa tapat ng Philippine General Hospital (PGH) nang ma-trap sa ikalimang palapag nitong Linggo ng gabi .

Agad namang naisugod sa PGH ang mga biktima na wala nang malay nang maibaba  ng mga bumbero mula sa madilim na gusali.

Ayon kay SFO4 Anabelle Padilla, Paco Fire Station commander na suffocation o pagkalanghap ng usok nang ma-trap ang dalawa sa ikalimang palapag kaya wala na silang malay nang sila ay masagip.
Nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag ng gusali na isang laboratory clinic .



Ayon kay Padilla, water damage lamang ang pinsala sa ikalimang palapag dahil ang ika-apat na palapag lamang ang na-damage.

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa naganap na sunog  na nagsimula 8:56 ng gabi nitong Linggo na umabot lamang sa unang alarma.

Idineklara itong fire out 10:34 ng gabi.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.(Jocelyn Domenden)