Advertisers
KAHIT kami ay nagulat nang aminin ni Sara Duterte na mayroon siyang security detail na aabot sa halos 500 katao. Labis namin ikinagulat nang aminin niya na binawasan iyon ng 150 at aabot ang bilang sa 300 katao. Ayon sa Saligang Batas, walang ginagawa ang pangalawang pangulo. Siya ang pamalit kung may mangyari sa nakaupong pangulo.
Binatikos ni Sonny Trillanes, dating senador na nakaumang tumakbo bilang alkalde ng siyudad ng Kalookan sa 2025, ang walang katuturang reklamo ni Sara tungkol sa pagbabawas ng kanyang security detail. Aniya sa isang post:
“The open letter of VP Sara is wrong on so many levels. But let me just summarize my conclusion: She’s an entitled, privileged child having temper tantrums because her security detail was reduced from almost 500 to 300. This shameful display of psychological instability clearly makes her unfit for VP. Imagine ninyo na lang kung maging presidente yan. May TOPAK!”
Mukhang may tama si Trillanes. May topak sa ulo si Sara. Asal spoiled brat. Sa isang bansa na gumagapang sa hirap, hindi kailangan ang ganyan karami na security detail. Si Sara ang banta sa seguridad ng bansa. Kampi siya sa Tsina tulad ng kanyang ama.
***
LARAWAN ng poot, o sobrang galit, si Harry Roque, dating tagapagsalita ni Gongdi, sa kanyang pagharap sa pagsisiyasat ng Senado tungkol sa papel ng mga POGO sa bansa. Ipinalalabas kasi ni Harry na may mga pwersang nakatago upang siraan siya at sapilitang iugnay sa mga POGO sa bansa. Hindi niya gusto na makilala siya bilang abogado at fixer ng mga POGO.
Pilit ipinalalabas ni Roque na wala siyang kaugnayan sa mga POGO. Ang kliyente niya ay ang Whirlwind Corporation na hindi POGO kundi service provider ng mga kompanyang POGO. Iba ang sinasabi ni Sen. Risa Hontiveros dahil, batay sa mga datos na nakumpiska ng mga maykapangyarihan sa raid nila sa POGO sa Porac, lumalabas na nasa organizational chart si Roque ng mga POGO. Siya ang kanilang legal counsel.
Sa salita ni Roque at Risa, mas pinaniniwalaan namin ang salita ng batikang senadora. Hindi namin sineseryoso si Roque. Sirang-sira si Harry. Wala siyang kredibilidad. Kahit huling-huli na sa akto si Harry, nagsisinungaling pa rin upang makalusot.
Umaarte lang si Harry upang magmukhang wala siyang kinalaman sa usapin ng mga POGO sa bansa. Ngunit bakit paniniwalaan si Harry. Isa siyang mapagkunwaring nilalang. Isa siyang labis na ambisyoso. Iniwan ang pagging isang tagapagtanggol ng karapatang pantao upang ipagtanggol si Gongdi na isang lumabag sa karapatan pantao ng maraming Filipino.
Tumalikod si Harry bilang human rights lawyer dahil sa ambisyon at kapangyarihan. Ipinagpalit ang lahat dahil lang sa poder. Human wrong si Roque.
***
MAY isinulat ang kaibigan namin netizen tungkol kay Bato dela Rosa na nangangatog sa takot dahil sa sakdal na crimes against humanity na isinampa sa kanya sa International Criminal Court (ICC). Pakibasa:
“NAGPAPALAKAS lang ng loob si Bato dela Rosa nang sabihin niya na parang “basag na plaka” ang ulat na isa siya sa mga “main suspects’ sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi nang umupo siya bilang pangulo noong 2016. Ang totoo, kabadong kabado si Bato. Hindi niya alam kasi ang proseso ng ICC at hindi ito maihahambing sa mga lokal na hukuman kung saan nabibili ang huwes.
“Hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Halos naiihi siya sa kaba dahil kasalukuyang gumugulong ang formal investigation ng sakdal na crimes against humanity na iniharap laban sa kanila ni Gongdi sa ICC nina Sonny Trillanes, Gary Alejano, at iba pa.
“Si Bato kasi ang lumagda ng Memorandum Circular 1 na gumamit sa PNP bilang pangunahing kasangkapan ng war on drugs ni Gongdi. Hindi maitatatwa ni Bato ang kanyang lagda. Kapag nadiin si Bato, puedeng na niyang halikan ang kanyang kandidatura bilang reeleksiyonista sa 2025. Hindi siya maisasama sa administration tiket ni BBM.
“Kung maisama siya sa tiket ni Gongdi, hindi siya makakampanya dahil malamang na dakpin siya upang harapin ang sakdal. Wala siyang panalo. Hindi isasama ni BBM ang isang pinaghihinalaang kriminal sa tiket ng administrasyon. Tiyak talo siya at sa kulungan siya sa nalalabing panahon nya sa daigdig.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “There’s always a price for every leader, who touches the nerve of history. Woodenheadedness,the term used by historian Barbara Tuchmann, or stubbornness, has its price. He has been forewarned that vigilante justice is illegal. It violates the fundamental rights of an individual. Anyone who does EJKs will have to account to law and history. It’s a good thing he knows it. Granting that he does not die in the near future, he will have to answer those EJKs. Remember those Nazi Germans who committed crimes against humanity during the last world war? Even those who are already in their 80s and 90s have been made to account for their crimes against humanity.” – PL, netizen, kritiko
“When it rains, it floods.” – Jay Cayuca, netizen, concert violinist
“Ipinamimigay na nga ang ating mga teritoryo, pinapayagan pang mag-labas-masok lang sa Pilipinas ang mga eroplanong militar ng Tsino na hindi malinaw ang motibo at mukhang si Duterte lang ang nagbibigay ng permiso.” – Leila de Lima, dating bilanggong pulitika
***
Email:bootsfra@yahoo.com