Advertisers

Advertisers

‘Dirty’ Harry

0 16

Advertisers

KALAT ngayon sa social media ang mga panawagan para ma-disbar o matanggal sa pagka-abogado si Atty. Harry Roque, ang dating presidential spokesman ni dating Pangulo Rody Duterte, dahil sa pagkakasangkot niya sa mga iligal na POGO hub na sinalakay kamakailan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng Senado sa mga sinalakay na iligal na POGO sa Porac at Bamban, nabunyag na pag-aari talaga ni Roque ang mansion sa Tuba, Benguet na pinagtaguan ng dalawang nahuling Chinese nationals na umano’y pugante at mga “boss”ng iligal na POGO.

Isa sa mga patunay na pag-aari ni Roque ang naturang mansion ay ang larawan ng house blessing na pinost ni Benguet Governor Melchor Diclas sa kanyang FB account dated July 6, 2019 kungsaan isa sa mga dumalo ang gobernador. Magkasama sila ni Roque sa larawang naka-post.



Isa sa mga naaresto sa naturang mansion ni Roque ay puganteng Chinese national na si Sun Liming, isa sa mga boss ng iligal POGO na gumamit pa ng pekeng Cambodian documents sa pangalang Khuon Moeurn.

Pinabulaanan ni Roque sa Senate hearing na hindi niya bahay ang pinagtaguan ng naarestong si Sun Liming at isa pang Chinese national. Pag-aari raw ito ng isang korporasyon na ang mother company ay Biancham Corporation kungsaan siya may interes o kaugnayan.

Pero, binunyag ni Senator Risa Hontiveros na ang isa sa stockholders ng Biancham Corporation ay ang macho guapeto na dating “Executive Assistant” kuno ni Roque na si AR Dela Serna.

Si Roque din ay incorporator ng korporasyong ito. Buking!

Sa mga naunang imbestigasyon ng Senado, nabunyag na si Roque ang abogado ng mga naturang iligal na POGO, base sa mga nakuhang dokumento ng PAOCC.



Ibinunyag din ni PAGCOR Chairman Alfredo Tengco na si Roque ang nag-lobby para sa naturang iligal na POGO sa Porac.

Isa pa sa dapat na ikaso kay Roque ay ang pagtatago niya ng mga puganteng illegal aliens tulad ni Sun Liming.

Say ng netizens, dapat nang ipa-disbar si Roque. Tama!

***

Nanawagan na si NBI Director Jaime Santiago kay suspended Bamban, Tarac Mayor Alice Gou na sumurender at dumalo sa Senate hearings.

Ito’y matapos pagalitan ni Senador Jinggoy Estrada ang NBI at ang PNP dahil sa hindi pa pagkakahuli kay Gou.

Banta ni Sen. Estrada, pababawasan niya ang budget ng NBI at PNP kapag hindi pa nahuli si Gou, na sangkot sa iligal na POGO sa Bamban.

Nabunyag din na si Gou ay isang Chinese national, na gumamit ng mga pekeng dokumento para makatakbong mayor ng Bamban.

Pinoproseso na ng Solicitor General ang ‘Quo Warranto’ petition para mapawalang-bisa ang pagka-mayor ni Gou. Suwerte ng vice mayor ng Bamban ‘ pag nagkataon…

Eh kelan naman kaya sasampahan ng disbarment ng SolGen si Harry Roque? Hehehe…

***

Nanawagan si Senador “Bato” Dela Rosa sa mga dating personnel ng PNP at AFP na magboluntaryong security escorts ni VP Sara.

Si Sen. Robin Padilla nama’y nanawagan sa mga IP na magagaling daw sa arnis at iskrima para mag-escort sa Bise Presidente. Ngek!

Ang OA n’yo! Hahaha…