Advertisers
SA totoo lang, 6,961,516 Filipinos na naiipit o nalagay sa gitna ng kaguluhan dahil sa bakbakan ng mga komunistang-teroristang at mga tropa ng pamahalaan, ang nakinabang sa Support to Barangay Development Program (SBDP).
Ano ba kaninyo yang SBDP? Yan po ay parte na programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na sumesentro sa kalagayan ng ating mga kababayan na naiipit sa kaguluhan.
Sa ulat ng Local Government Special Fund (LSGF) ng Department of Interior and Local Government (DILG), nakita ko na sng SBDP na ito ay nakapag-latag na pala ng mga farm-to-market roads, nakapag-patayo na ng mga school buildings, water supply at sanitation systems, health stations, at mga rural electrification sa mga itinuturing na mga Geographically-Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).
Economic development projects ang mga ito na ibinababa ng NTF,-ELCAC sa pamamagitan ng SBDP.
Magbilangan muna tayo. Sa ulat na aking nakalap, 3,326,022 beneficiaries na ang nakinabang sa 2,451 constructed road projects sa 2,206 na mga barangay.
618,738 estudyante naman ang nabiyayaan ng 461 school buildings sa 429 na mga barangay. At 1,213,536 indibidwal pa ang nagkaroon ng individuals have received improved sapat na water supply atvsanitation services sa 1,049 na naibaba sa 925 na mga barangay.
Wait there’s more, 684,545 beneficiaries pa, ang nakinabang sa 447 na health stations sa 440 na mga barangay, at 727,282 indibidwal pa ang nabiyayaan sa 518 rural electrification projects para sa 491na mga barangay.
Mantakin niyo yang mga bilang na iyan, di yan kathang isip lamang ha, nailatag at naibaba ang mga yan sa mga barangay na malalayo, nasa mga kanayunan, at dating pinipeste ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.
Ang mga SBDP projects na yan ang maghahatid sa ating mga kababayan sa nais na marating ni Pangulong Bong Bong Marcos na ‘Bagong Pilipinas.’