Kim pa-Korea para tanggapin ang award bilang Outstanding Asian Star; Sandara naiyak sa pagbabalik ng grupo sa music scene
Advertisers
Ni Rommel Placente
BONGGA si Kim Chiu huh! Siya kasi ang nagwaging Outstanding Asian Star sa 2024 Seoul International Drama Awards!
Ibinandera mismo ni Chinita Princess sa kanyang Instagram page kamakailan lang ang pagkapanalo niya ng award sa ibang bansa.
Proud niyang ipinakita ang invitation letter mula sa award-giving body na sinasabing siya ang nagwagi sa nasabing kategorya.
“Thank you for your submission to Seoul International Drama Awards 2024. This invitation is sent to the winners of SDA 2024,” saad sa ipinadala ng organization committee.
“On behalf of all the judges and the organizing committee, we would like to congratulate you all on the award.”
Sa caption, ramdam na ramdam ang kasiyahan ni Kim at inamin na hindi siya makapaniwala sa matatanggap niyang pagkilala, “I got the news today! [holding back tears, folded hands emojis] I am lost for words…”
“Beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” patuloy niya.
Kasunod niya ay nagpasalamat na siya sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang ABS-CBN, Dreamscape, at lahat ng kanyang supporters.
“I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible! [crying, folded hands, trophy emoji],” mensahe niya.
Aniya pa, “My heart is full!!! [red heart emoji] MARAMING MARAMING SALAMAT PO! [folded hands emoji].”
Bandang huli ay kinumpirma niya na pupunta siya sa South Korea upang tanggapin ang award.
“KOREA HERE I COME! [South Korean flag, airplane emojis] Sa SOUTH HA? Hihi,” aniya pa
Kabilang sa mga tinalo ni Kim ang Thai stars na sina Blue Pongtiwat Tangwancharoen at Poompat Iam-samang, ang Malaysian actress na si Emily Chan, ang Singaporean award-winning actor na si Desmond Tan at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana.
Ang Seoul International Drama Awards 2024 Awards Ceremony ay gaganapin sa KBS Hall, Seoul, South Korea sa September 25.
Congratulations Kim!
***
SA guesting ni Sandara Park sa South Korean SBS radio programa na “Cultwo Show” nitong nagdaang July 26, napaiyak siya nang batiin siya ng mga host at iba pa niyang mga kagrupo sa pagbabalik nila sa music scene.
After 8 years ay muli kasing magsasama-sama ang all-female South Korean group na 2NE1 para sa isang bonggang reunion project.
Magaganap ang “2NE1 Concert (Welcome Back) In Seoul” sa October 5 at 6 sa Olympic Hall, Olympic Park. Ito ang magsisilbing reunion concert ng grupo after ng “All or Nothing” show nila sa Seoul noong March, 2014.
Mahalagang bahagi ang Olympic Hall sa journey ng 2NE1 bilang grupo dahil doon din ginanap ang kanilang first-ever concert sa Korea, ang “2NE1 1st Live Concert: Nolza!” nong August, 2011.
Sabi ni Sandara,“I’ve really waited for this too, and I’m so happy that I can proudly talk to our fans after eight years.
“Because the news came out and I’ve received congratulations from so many people.”
Ibinalita rin ng tinaguriang Pambansang Krungkrung ng Pilipinas na nagsimula na siya kasama ang iba pang miyembro ng grupo na sina CL, Park Bom, at Minzy, na mag-rehearsal for the concert.
“It’s still like a dream, it’s so good. It feels good, even though it’s so hard to practice. We started practicing this week and we’ve been working hard.
“We’re dancing for seven hours non-stop, and we’re all four working hard because we know this moment is precious. This is what it means to be full even if you don’t eat,” sabi pa ni Sandara.