Advertisers

Advertisers

THE GREED FOR FAME,MONEY & POWER

0 19

Advertisers

Noong mga nagdaang panahon kapag napag-uusapan ang mga kotongero, laging pulis ang itinuturo.

Pero ika nga sa kasabihan, lahat puwedeng magbago…

Nag-evolved at nag-upgrade na nga ang mga kupal na tullisan.



Kung noong una ay mga lespu ang nasa forefront ng mga pangongotong , umabot na ito sa bulwagan ng Kongreso hanggang sa paanan ng Palasyo ng Malacanang sa ngayon.

Malala ang sitwasyong kinakaharap ng sambayanan at ng inang bansang Pilipinas dahil mismong matataas na opisyal ng gobyerno ang pasimuno sa mga pandarambong na ito.

Ang mabigat, nagiging ehemplo ng mga tulisan ang isang untouchable insane lady na matindi ang greed for fame, money and power!

Kung mula sa itaas pababa nagmumula ang matinding korapsiyon, may malaking problema tayong kinakaharap.

The saddest thing, ang mismong seat of power ng pamahalaan ang nagpapakita ng mga ehemplong hindi maganda sa taongbayan.



Corruption, harassment, political persecution and what have you!

Paanong magkakaisa ang bayan kung ganitong nakikita ang malaking agwat ng mga taong nasa kapangyarihan at ang mga nasa tinatawag na nasa laylayan ng lipunan.

Hustisya at patas na karapatan ay parang mahirap makamtam.

Matindi rin ang umiiral na kahirapan dulot ng nagtataasang presyo ng pangunahing bilihin, ang pagtaas ng unemployment rate, ang hindi masulosyunang problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, ang matinding korapsiyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na direktang nag-e-eminate mismo sa seat of power ng bansa —Malacanang Palace,ang official residence at tanggapan ng Pangulong Bongbong Marcos.

Short of pinpointing the First Lady Liza Araneta Marcos behind all the alleagations of wielding her unlimited influence and clout to all government agencies including its resources and manpower.

Speaking of manpower, mismong ang PNP ang tinukoy ni VP Sara Duterte pa mismo ang nagsiwalat thru her open letter published in mainstream and social media na hina-harass siya ng pinakamataas na opisyal ng pambansang kapulisan, General Rommel Francisco Marbil ay nakakatakot na precedent.

Kung ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay kayang gawan ng ganitong klaseng harassment, how much more ang isang ordinary Juan dela Cruz?

Sa mga susunod nating pagtalakay, iisa-isahin natin ang linyada ng sinasabi nating “well-entrench and systematic corruption” na umiiral ngayon sa ating pamahalaan that included the daring collution of the judiciary, executive and legislative brances of the government.

Kaya naman pala may “destab issue” na kumakalat ngayon.

May valid na reason para mag-alsa ang mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan lalo na ang mga lantarang pagtarantado ng mga gahaman nasa poder na yumuyurak sa karapatan at dangal ng bawat Pilipino.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com