Advertisers

Advertisers

April Boy Regino patay na sa sakit na diabetes

0 333

Advertisers

NI JULIET Q. PACOT
PUMANAW na ang sikat na novelty singer at tinaguriang ’90’s Jukebox King na si April Boy Regino, 51-anyos, sa kumplikasyon sa.sakit na diabetes.
Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Vingo Regino  sa pamamagitan ng isang Facebook post ngayong Linggo, Nob.29, kung saan malungkot niyang ibinalita ang pagpanaw ng kanyang kuya.
Magugunitang sumikat nang husto at pumaimbulog ang karir ni April Boy nang  kantahin nito ang “Di Ko Kayang Tanggapin” at  “Paano ang Puso Ko”  na naging patok sa mga kabataan. Nag-trending ang naturang awitin at ito na ang simula ng kanyang kasikatan.
Nasundan ito ng mga kantang Esperanza, Sana’y Laging Makapiling at marami pang iba.
Sa una ay naging lead vocalist ito ng bandang April Boys trio na isa si Vingo sa bahagi ng grupo nilang magkakapatid..
Ilang taon din lumaban sa iba’t ibang sakit si April Boy na naiulat na nagkaroon ng prostate cancer kaya niya iniwan ang showbiz. Matapos mapagtagumpayan ang laban sa cancer, malaki ang pasasalamat niya sa asawang si Madel. 
Ayon sa isang pahayag ni Madel noong 2011, nakaranas ng depresyon ang asawa matapos malaman ang pagkakaroon niya ng sakit. Nagkaroon din ang mang-aawit ng diabetes na naging sanhi ng unti-unting pagkawala ng kanyang paningin. Nawalan ito ng ganang kumanta simula nang mabulag na tila nawalan ng pag-asa sa buhay. 
Gayunpaman, dahil sa tuluy-tuloy na pagpapagamot ay naibalik nang paunti-unti sa normal ang kanyang paningin at muling nakabalik sa pagkanta sa tulong na rin ng mga kaibigan at kasamahan sa industriya. 
Ilan pa sa sumikat na kanta nito ang “Umiiyak na Puso” at “Ye Ye Vonnel”. Nag-migrate ang kanyang pamilya sa Las Vegas, Nevada, noong 2000.