Advertisers
Paging PNP chief, General Debold Sinas sir!
Nais lamang po nating ipagbigay alam sa mabunying hepe ng pambansang kapulisan ang reklamo ng ilan sa ating mga kababayan na nabiktima ng TRAVEL PASS FOR SALE scheme ng mismong mga opisyal umano ng PNP.
Pangunahing requirements po sa ilalim ng kautusan at protocol ng IATF ang pagkuha ng TRAVEL PASS sa mga indibidwal na nagnanais bumiyahe sa mga karatig probinsiya at iba pang destinasyon sa ating bansa.
Ayon sa sumbong na nakarating sa inyong lingkod, ang Joint Task Force Covid Shield ng PNP, AFP, PCG at BFP na siyang responsable sa pag-iisyu ng travel authority (travel pass) ang pangunahing mga grupo na responsable sa pagbebenta ng nasabing dokumento na isang lantarang pagsabotahe sa mga health at safety protocols ng IATF.
May isang pamilya umano ang nagbayad ng halagang Php4,500 sa Joint Task Force Covid Shield sa Quezon City para maka-biyahe lamang patungo sa kanilang probinsya.
Kapag nagbayad ka sa TRAVEL PASS, di mo na kailangan pang magpa-quarantine ng 14 days at pag-undergo ng SWAB or RAPID test na alam naman natin kung gaano kamahal.
To make things clear, objective and transparent, ilalabas po natin ang mismong nakasaad sa TRAVEL PASS na binili ng nasabing pamilya na nakalantad ang pangalan ni Lt. General Guillermo Eleazar at pirmado ni Dating NCRPO Chief Debold Sinas;
“TRAVEL AUTHORITY”
This TRAVEL AUTHORITY is granted to a person/s listed below to pass at the established quarantine control points (QCP) checkpoints, Seaports and Airports from point of origin to point of destination and vice versa as it may deem necessary.
Attached is/are the medical clearance certification issued by Quezon City Health Department.
By the authority of Joint Task Force Covid (CV) Shield Commander Lt.General Guillermo Eleazar.”
As we have said earlier in this column, may pirma rin po sa dokumentong ito si General Sinas.
Nakakabahala po ang mga ganitong kaganapan dahil hindi po natin alam kung alam nga ito nina Generals Eleazar at Sinas o may ilang grupo sa loob ng institusyon ng PNP na nagsasabotahe sa dalawang mamang heneral.
Isa pang iniisip natin dito ay ang isang dirty tactic ng ilang paksyon sa loob ng PNP na posibleng naglunsad ng isang ‘demolition job’ laban kay General Eleazar upang gumawa ng intriga sa pagitan ni Eleazar at ni Sinas.
Kumikita na ang grupo ng mga kolokoy sa PNP, nawawasak pa nila ang image ni Eleazar na isa sa pinakamainit na susunod na PNP chief vice Sinas after the later’s retirement.
Si Sinas at Eleazar ay kapwa miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.
Ayon sa ating mga sources, bukod sa mga pamilyang naka-bili na umano ng TRAVEL PASS, nabentahan din ng sindikatong ito ang iba’t ibang Rider’s group na sabik na sabik ng mag- Road Trip na natengga ng mahabang panahon sanhi ng quarantine protocols ng pandemya.
Selling like hot cakes umano ang mga TRAVEL PASSES na ito hehehe!
Again, nais nating mabulgar ito at matanggalan ng maskara ang mga hinayupak na Herodes diyan sa PNP na nasa likod ng nasabing raket.
Paging DILG Secretary Eduardo Año sir, paki silip naman po ng maigi ang patungkol sa katarantaduhang ito.
More on this sa mga susunod nating pagbira!
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com