Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Darating sa inyo ang lahat ng sumpang ito. Mapapasainyo ang lahat ng sumpang ito hanggang sa kayo ay malipol, dahil di ninyo sinunod ang utos na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos…” (Deuteronomio 28:45, Bibliya).
***
Sa kasagsagan ng Speakership row ukol sa term sharing agreement sa pagitan nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay lumutang ang pangalan ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, naging kontrobersiyal ang lady solon nang mag-ober-the-bakod ito at hayagang suportahan si Velasco gayong kaalyado ito ni Cayetano.
Bilang resulta ng kanyang paninira at pagtalikod sa liderato ni Cayetano ay inalis ito bilang Chairman ng House Committee on Economic Affairs, mula noon ay naging kadikit na ni Velasco si Garin sa lahat ng mga pagtitipon ng mga Velasco allies.
Ang House Ways and Means Committee ang target na pwesto Garin na inuukopa ni Albay Rep. Joey Salceda subalit hindi ito uubra kay Salceda kaya ang Deputy Speakership ang pangakong pwesto kay Garin.
Hanggang sa dumating ang Nobyembre 9, sa mismong araw ng kaarawan ni Velasco nasira ang pangarap na pwesto ni Garin.
Naiulat na sa isang dinner sa pagitan ng mga Velasco Allies na ginanap sa Rizal Hotel ay biniro ni Garin si Davao Rep. Pulong Duterte ng “hindi ka naman bumoto kay Speaker Velasco pero nagkaroon ka ng pwesto”.
Nagpanting ang tenga ni Pulong sa “half meant” joke, nauwi ang biruan sa komosyon hanggang sa magkaawatan, bandang huli ay sinabi ni Pulong sa kanyang viber message sa mga kongresista na didistansya na ito sa ruling majority dahil nakukuwestiyon ang kanyang loyalty at humantong pa ang galit nito sa bantang bibitawan niya ang House Accounts Committee, ang pwestong kinukwuestiyon ni Garin na ibinigay kay Pulong.
Sa gitna ng lahat ng pangyayari ay si Garin ang nawalan. Hindi maaaring piliin ni Velasco si Garin over sa pader na si Pulong.
Kaya ang resulta, out of the picture na ngayon si Garin. Sa binuong House contingent para sa Bicam sa 2021 budget, nowhere to be found sa 21-panel si Garin na noong 2020 budget ay isa ito sa itinalaga ni Cayetano na miyembro ng bicameral confe-rence.
Ayon sa mga malalapit kay Velasco, malabo na rin na maitalaga si Garin bilang House Deputy Speaker.
Tila napaaga masyado ang karma para sa lady solon.
Naku, mukhang hindi lang karma ang dumating kay lady solon kundi mukhang tuluyang mauunsyami rin ang political ambition niya dahil plano pala nyang tumakbo sa senatorial race sa 2022.
***
BABALA SA GLOBAL WARMING BINALEWALA NATIN: Inilalahad naman ng Deuteronomio 28:22-24 ang ilan sa mga sumpang ito. Sabi ng Deuteronomio 28:22: “Padadalhan kayo ng Panginoon ng… nag-aapoy na init, at tagtuyot…hanggang sa kayo ay malipol.” Sabi naman ng Deuteronomio 28:23: “Ang langit sa inyong ulunan ay magbabaga, habang ang lupang inyong tinutungtungan ay magiging sintigas ng bakal.” Ayon sa Deuteronomio 28:24: “Padadalhan kayo ng Diyos ng ulan ng alikabok; bababa ito mula sa langit hanggang sa kayo ay malipol…”