Advertisers
ARESTADO ang 7 kalalakihan sa “tupada”, iligal na sabong, sa may bakanteng lote sa Cuyegking Street, Barangay 4, Pasay City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Henderson Sotello, Ames Ailes, Antonieto Aban~o, Jerry Alfonso, Reymund Pagtakhan, Jose Portado at Chito Pabuenas.
Nabatid na natiyempuhan ang pito ng mga nagpapatrolyang pulis kungsaan hindi na sila nakatakbo pa.
Nakumpiska sa mga sabungero ang mga manok panabong at perang pampusta na aabot sa P8,400.
Bukod sa kasong iligal na pagsusugal, nahaharap din sila sa paglabag sa Ordinance No. 6121 o ang mahigpit na pagpapatupad ng Social/Physical Distancing.(Gaynor Bonilla)