Advertisers

Advertisers

MUMUNTING NEGOSYO SA QC PINAREREHISTRO!

0 3,079

Advertisers

Sa lahat ng mga nagnenegosyo partikular na ang mga mumunting negosyo na hindi lalagpas ng limampung-libong piso ang puhunan ay hinihikayat ni QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE ang lahat na magparehistro para mapabilang sa iba’t ibang mga benepisyong ipinagkakaloob ng kanilang pamahalaang lungsod.

Yan ay kaugnay sa nilagdaan ni MAYOR BELMONTE na ORDINANSANG naglalahad ng mga patakaran sa pagpaparehistro ng mga NANO-ENTERPRISES sa pagpapaimplementa ng regulatory process at sa ikabibilis ng pagtugon sa local regulations.

Sa ORDINANCE NO. SP-3272 SERIES 2024 na inakdaan nina COUNCILOR CANDY MEDINA at MAJORITY LEADER DOROTHY DELARMENTE, ang mga NANO-ENTERPRISES ay mapagkakalooban ng financial resources at iba pang vital support.



Ang mga maliliit na negosyo tulad ng sari-sari store at karinderya ay magbabayad lamang ng P500 para sa legalisasyon.., na ang kapalit naman nito ay ang seguridad sa pagnenegosyo na halimbawang magkaroon ng trahediya tulad sa sunog ay mapagkakalooban ang mga biktima ng asiste upang makabangon at maipagpatuloy ang kanilang maliit na negosyo.

Bukod diyan, ang NANO-ENTERPRISES at mga benepisaryo ng PANGKABUHAYAN QC ASSISTANCE PROGRAM ay mae-exempt sa pagbabayad ng local business taxes at regulatory fees.

Inihayag ni QC BUSINESS PERMIT AND LICENSING DEPARTMENT CHIEF MARGIE MEJIA na ang ORDINANCE ay pagpapatunay ng City government commitment sa pang-asiste sa mga NANO-ENTERPRISES sa panahon ng mga pangangailangan.

“In times of crises such as natural disasters or public health emergencies, the registration process will help us quickly identify and extend assistance to affected nano-enterprises,” pahayag ni MEJIA.

***



MGA BISEKLETANG DONASYON NG QC GOVERNMENT SA QCPD NINENOK NG.PULIS!

Katinde naman ng isang pulis na 8 sa MOUNTAIN BIKES na DONASYON ng QUEZON CITY GOVERNMENT ay NINENOK at ibinenta sa halagang tig-P3,000.

Sa iniatas na pagsisiyasat ni QUEZON CITY POLICE DITRICT (QCPD) DIRECTOR, BGEN. REDRICO MARANAN ay nadiskubre ang pagnanakaw sa QCPD headquarters, Barangay Botocan noong Biyernes, Agosto 2 bandang 6:30 ng umaga.., na isinagawa ang pagbibilang sa mga bisekletang donasyon mula sa QC GOVERNMENT at 8 ang nawawalang bisekleta.

Nadiskubre na ang ilang nawawalang mga bisikleta ay ibinebenta sa Facebook Market sa halagang P3,000 bawat isa at nang makaugnayan ng mga pulis ang nagbebenta ay inihayag naman na nabili niya sa isang pulis sa halagang P24,000.., na mismong ang pulis kasama pa ang kaniyang asawa ang naghatid ng mga bisekleta

Ang MAGNANAKAW NA PULIS ay mayroong ranggong CORPORAL at dating miyembro ng QCPD-DISTRICT TACTICAL MOTORIZED UNIT na residente ng BRGY. CORAZON DE JESUS, SAN JUAN CITY.

Ang ganitong klase ng mga PULIS e hinde marapat na mamalagi sa pagiging LAW ENFORCER dahil kasiraan ito sa POLICE IMAGE!

***

CONGRATULATIONS kay QC PRESS CLUB VICE-PRESIDENT at DZME 1530 Radyo Uno Manila Reporter NEIL MIRANDA sa natanggap na pagkilala sa idinaos na BUREAU OF FIRE PROTECTION -NATIONAL CAPITAL REGION FIRST MEDIA INTERFACING 2024 na isa sa nakapagbahagi ng mga wastong impormasyon sa mamamayan upang MAIWASAN ANG FAKE NEWS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.