Advertisers
Nakalulungkot naman kung ang TAYTAY TIANGGE na kinilalang “GARMENTS CAPITAL OF THE PHILIPPINES” ay MABANGKAROTE ang mga negosyante rito dahil sa pagtaas ng presyo ng mga paninda na epekto naman sa taas na bayaring buwis ng mga nagnenegosyo para sa kanilang MUNICIPAL GOVERNMENT.
Sa MEDIA FORUM ng KAPIHAN SA METRO-EAST na pinagtuwangan ng PAMAMARISAN-RIZAL PRESS CORPS at ng PINOY AKO ADVOCACY GROUP ay Isa si EX-TAYTAY.MAYOR JORIC GACULA ang naging panauhin na nalitanya nito ang panghihinayang sa tila paglamlam ng TAYTAY TIANGGE kumpara sa kaniyang kapanahunan na napakasigla at dinadayo ng mga mamimili sa iba’t ibang panig ng ating bansa mula sa NORTH LUZON, VISAYAS at MINDANAO dahil bukod sa magandang kalidad ng mga damit at iba pang GARMENT PRODUCTS ay mura lamang ang mga presyo ng paninda sa nasabing lugar.
Naihayag nito na noong siya pa ang TAYTAY MAYOR ay halagang P3,000 lamang ang business tax ng mga negosyanteng nakapuwesto sa TIANGGE.., subalit sa kasalukuyang administrasyon umano ngayon ay halagang P8,000 ang business tax na binabauaran ng mga nakapuwesto sa TIANGGE.
Bukod pa riyan ay mayroon daw tumatarang GOODWILL MONEY na halagang P50,000 para sa sinumang gustong nakapuwesto sa TAYTAY TIANGGE.., naku e baka may PERSONALIDAD ang gumagawa ng paniningil niyan na walang alam ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni TAYTAY MAYOR ALLAN DE LEON.
Nakapanghihinayang kung tuluyang humina ang pagnenegosyo sa TAYTAY TIANGGE na dapat maagapan ni MAYOR DE LEON para mapanatili ang industriyang pangunahing nag-aambag para sa ekonomiya ng kanilang pamahalaang munisipalidad.
Kasi nga naman.., kung may umiiral na GOODWILL MONEY e normal na kailangang mabawi ng mga negosyante at siyempre para mabawi ang pinagkagastusan ng mga ito ay kailangang magtaas ng presyo sa kanilang mga paninda.., epekto niyan, ang mga namimili ay maghahanap ng ibang lugar na mas mura ang presyo at magandang kalidad ng mga produkto!
— 000 —
BRGY CALISON SA CALUMPIT LALONG BINABAHA NGAYON!
Matinding pagpo-problema ang kinakaharap ng mga residente sa PUROK UNO, BRGY. CALISON, CALUMPIT BULACAN sa tuwing mag-uulan at high tide ay matinding PAGBAHA ang kanilang dinaranas gayong ang PUROK 2 at 3 ay mabilis ang paghupa ng tubig.
Dinanas umano nila ang gayong matinding PAGBAHA nang ang kanilang BARANGAY sa pangunguna ni BRGY. CHAIRMAN TOTO VILLAREAL ay naglagay umano ng mga pangharang bilang proteksiyon sa PUROK 2 at 3.
Ayon sa mga residente ng PUROK UNO.., sa tuwing gigising sila sa umaga ay parati na lang may BAHA sa loob ng kanilang bahay gayong dati ay hanggang sa labas lamang ng kanilang mga bahay.., subalit nang maglagay ng mga pangharang ay tumaas na ang BAHA na pumapasok na sa kanilang.mga bahay tuwing magha-hightide sa kanilang lugar.
Paging KAPITAN VILLAREAL.., nagmamakaawa ang iyong mga ka-baranggay na nasa PUROK UNO.., may paraan pa ba na masolusyonan ang kanilang pagpo-problema sa tuwing magha-high tide at mga pag-ulan na dati ay hindi naman daw dinadanas na mabaha ng tubig ang loob ng bahay sa kanilang mga kinalulugaran?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.