Advertisers
Ipinakita ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang laki ng masalakit nito sa kalagayan ng mga atletang Pilipino nang sinalubong niya at ng kanyang pamilya sa Malacanang ang mga atletang sumali sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ng isang ‘grand heroes’ dinner reception.
Ani Pangulong Marcos sa mga atleta: “pinapaganda ninyo at pinatitingkad ang pangalan ng Pilipino, kaya naman kami ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Pinapasikat nyo ang Pilipinas sa buong mundo. You have shown the spirit and determination of the Filipino and the excellence of the Filipino spirit.”
Napakagalante at napakabait ng Pangulo nang maging ang mga hindi nakapag-uwi ng medalya na sumali sa Olympics ay kanya ding binigyan ng gantimpala na tig-P1 million na cash incentive, bukod sa Presidential citation. Ito ay sina Elreen Ann Ando, Hergie Bacyadan, Samantha Kyle Catantan, John Febuar Ceniza, Joanie Delgaco, Jarod Hatch, Laureen Hoffman, Eumir Felix Marcial, Ernest John Obiena, Carlos Paalam, Kayla Sanchez, Vanessa Sarno, John Cabang Tolentino at Kiyomi Watanabe,
Para sa Pangulo, ‘yung hirap ng mga atleta para lamang makasali sa Olympics ay kapuri-puri na. Pati mga coaching staff ay kanya ring binigyan ng insentibo na tig-kahalating milyong piso.
Siyempre pa, espesyal ang iniabot na cash incentive sa mga nag-uwi ng medalya. Tig-P2 million ang ibingay kina bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas para sa pagwawagi sa boxing women’s 57 kg at 50 kg, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang P20 million naman ang cash incentive na iginawad kay two-time Olympic gold medalist gymnast na si Carlos Edriel Yulo, bukod sa Presidential Medal of Merit. Si Yulo ay wagi sa artistic gymnastics competition. and men’ floor exercise.
Makikitang tuwang-tuwa ang Pangulo dahil ilang beses niyang tinapik sa balikat si Yulo at inanunsiyo niya na tatapatan ng kanyang tanggapan ang cash awards na ibinigay ng PAGCOR.
Nasa Malacanang din para makiisa sa pagbibigay ng mainit at bonggang pagsalubong sa mga atleta sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo na talaga namang proud na proud dahil parehong taga-Maynila sina Yulo at pole vaulter EJ Obiena.
Naroon din ang business tycoon na si Ramon S. Ang, PAL President Capt. Stanley Ng, Speaker Martin Romualdez, mga kinatawan ng PAGCOR at marami pang iba.
Tuwang-tuwang binanggit ni Pres. Marcos na dalawang linggo siyang napuyat kakanood ng mga sari-saring event na sinalihan ng mga Pilipino. Puyat na puyat daw siya pero worth it dahil aniya, napakagandang panoorin ang performance ng mga atletang Pinoy.
Kinilala ni Pangulong Marcos ang mga sakripisyo ng atleta, gayundun ang kanilang mga coach, trainer, nutritionist at lalo na ng mga pamilya nila.
Para sa Pangilo, ang mag-qualify pa lamang sa Olympics ay isang bagay na mabigat o mahirap nang maabot.
Buong kababaang-loob pang humingi ng paumanhin si Pres. Marcos dahil maliit lang aniya ang P1 million kumpara sa mga sakripisyo at pinagdaanan ng mga atleta.
Matiyagang tinanong at inalam ni Pangulong Marcos sa mga atleta, coaches at sports organizations kung paano makatutulong ang gobyerno sa kanila dahil gusto niyang maging bahagi ng paglago ng sports sa bansa.
Ang dami aniyang tumutulong pero walang pormal na istraktura para kongkretong matulungan ang mga atleta.
Inalam niya kung ano ang mga pangangailangan sa pagsasanay at kung saang aspeto sila pinaka-nahihirapan at ano ang posibleng tulong na maibibigay ng kanilang pamahalaan.
“Para magkikita pa rin tayo sa Palasyo at magco-congratulate ako sa inyo at hihingan natin ng pera ang PAGCOR ulit,” anang Pangulo.
Ibig sabihin, matibay ang pananalig ni Pangulong Marcos na mauulit pa ang paghakot ng mga medalya ng mga atletang Pilipino sa mga darating pang laban.
Sa mga ipinangako niyang tulong at ipinakitang malasakit sa mga atleta, hindi malayo na maulit nga ang pagdadala ng karangalan ng mga Pinoy Olympians sa bansa.
Sana ay kumilos kaagad ang mga kinauukulang tanggapan at di na kailangang pukpukin pa.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.