Advertisers

Advertisers

P.5M cash incentives ipinagkakaloob ni Mayor Honey Kay Obiena

0 15

Advertisers

GINAWARAN ni Mayor Honey Lacuna ng P500,000 bilang cash incentive ang Olympian pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena , na isang true-blue Manileño mula sa Tondo at mag-aaral ng University of Santo Tomas (UST) o Thomasian, na tulad din ng lady mayor.

Ang symbolic check ay ipinagkakaloob ni Lacuna kay Obina sa Mayor’s Office ng Manila City Hall, kung saan binati at pinasalamatan ng alkalde ang atleta sa pagpupursigi nitong magdala ng karangalan sa lungsod at sa buong bansa.

“We congratulate Ernest John Obiena on his best Olympics finish so far in his still young athletics career. The fourth place finish was his best effort at that high-pressure moment. Our Manileño pole vaulter from Tondo and fellow Thomasian is proudly and joyfully welcomed in the country’s capital now that he is back home with his family, friends, and neighbors ” pahayag ng lady mayor kay Obiena.



“Isa kang Bayaning Manileño, EJ. Mahal ka namin dito sa Magnificent Manila,” pahayag ni Lacuna kay Obiena sabay ng pagsasabi niya rito ng isang ligtas na paglalakbay. Si Obiena ay umalis nang gabi ring iyon para sa panibagong kumpetisyon sa August 21.

Binigyang diin ni Lacuna na ang pride at glory na ibinigay ni Obiena sa kanyang kapwa Manileño ay panghabang-buhay ng nakaukit sa lahat ng mga taga-Maynla maging sa mga nagtatrabaho dito.

Pinuri nya rin si Obiena sa ipinakita nitong sportsmanship nang i-acknowledged at palakpakan nito ang bagong world at Olympic records na ginawa ng kanyang co-competitor na si Sweden’s Armand Duplantis, sa nasabing event.

Ayon kay Lacuna ang nagawa ni Obiena ay karapatdapat na pamarisan ng mga kabataan.

Natamo ni Obiena career-best na 4th place finish sa men’s pole vault event sa Paris 2024 Olympics, kung saan nalagpasan niya ang taas na 5.90 meters. Ito ay higit na nagpataas sa kanyang 11th-place finish sa Tokyo 2020 Olympics. (ANDI GARCIA)