Advertisers

Advertisers

BFP-NCR HUMINGI NG TULONG KAY SEN. CYNTHIA VILLAR PARA SA ‘FIRE SERVICES’

0 72

Advertisers

ANG pamunuan ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region sa ilalim ng pamumuno ni BFP-NCR Regional Director FCSupt. Nahum B Tarroza ay humingi ng tulong kay Senadora Cynthia Villar upang maisulong ang kanilang programa partikular na sa mga karagdagang equipments tulad ng Fire Trucks at Ambulance.

Sinabi ni Tarroza na ang tulong na ipagkakaloob ni Sen. Villar ay magagamit nila bilang karagdagang equipments sa kanilang pagresponde hindi lamang sa sunog pati sa mga medical response dahil maraming bilang sa mga BFP perssonnel sa Pilipinas ay mga nurses na umaabot sa bilang na 9,000 nursing degree na mas marami pa umano sa bilang ng mga nurses ng Department of Health.

Naniniwala si Tarroza na bilang mambabatas ay matutungan sila ni Villar para sa karagdagang pondo ng BFP-NCR dahil panahon ngayon ng budget deliberation sa Senado para sa 2025 National Budget.



Ang nasabing pahayag ni Tarroza sa mga mamamahayag ay kasabay ng 33rd Anniversary ng BFP-NCR na ginanap sa Villar Sipag Complex noong Huwebes, August 15 kung saan naging panauhing pandangal si Senator Cynthia sa matagumpay na okasyon.

Sa kanyang pahayag tiniyak ni Senadora Villar na kanyang isusulong sa Senado ang pagpapalakas ng pondo ng BFP partikular na sa BFP-NCR.

“As a Senator let me share with you that 3 years ago, September 2021 we were able to pass the Bureau of Fire Protection Modernization Act of Republic Act No. 11589 , layon nito na paghusayin ang kakayahan at kasanayan ng Bureau of Fire Protection personnel sa pagtugon sa mga fire emergencies at pagsasagawa ng investigation sa fire related incident.”ani Villar

Idinagdag pa nito na nakapaloob din sa batas na ito ng BFP ng bago at state of the art equipment and facilities on fire prevention, suppression investigation and emergency medical rescue services para lalong mapahusay ang hatid ng serbisyo ng Bureau of Fire Protection.

Bukod dito hindi lamang aniya sa budget deliberation sa Senado kundi ang personnal na tulong mula sa pamilya Villar at mga mababait na kamag-anak ay nakahanda ring magbigay ng tulong sa pangangailangan ng BFP dahil mahal nila ang mga firemen o bumbero.



Nangako din ang Senadora na magtatayo siya ng gusali na magiging tanggapan umano ng BFP at eskwelahan ng mga bumbero sa C-5 road sa tulong na rin ng kanilang pamilya na handang tumulong para sa kapakanan ng mamamayan. (JOJO SADIWA with Photos by: CESAR MORALES)