Advertisers
KINANSELA ang nakatakdang laban ni Danny Kingad sa ONE: Big Bang matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 ang isa sa kanyang cornerman.
Kailangan ihiwalay ang grupo ni Kingad at ang kanyang laban sa kapwa flyweight contender Kairat Akhmetov na nakatakda sa Biyernes ng gabi sa Singapore Indoor Stadium ay ipinagpaliban.
Subalit, isa pang Filipino ang sasabak sa ONE: Big Bang, si Rene Catalan.
Ang dating strawweight title challenger, na kasalukuyang ranked third sa kanyang division, ay makakaharap si Bokang Masunyane, na unbeaten South African fighter.
Ang 26-anyos Masunyane ay hawak ang 7-0 rekord pero hindi pa umiskor ng stoppage win simula sa kanyang impressive pro debut noong Dec. 9, 2016, na submitte Mussadiq Alli Hassan via kimura lock sa EFC Worldwide 56.
Bumalik si Masunyane sa ONE Championship arena halos isang taon matapos umiskor ng unanimous win kontra Ryuto Sawada sa ONE: Mark of Greatness sa Kuala Lumpur noong December 6, 2019.