Advertisers

Advertisers

Walang kamatayang pambu-bully ng China sa Pinas, kailan kaya matutuldukan?

0 6

Advertisers

Kailan kaya matutuldukan ang walang kamatayang pambu-bully ng China sa Pinas na wala namang ibang interes kundi angkinin ang Ilan isla natin sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi na mabilang sa daliri ang insidente na kung saan intensiyonal na binabangga ng mga ito ang barko ng ating mga coast guard at navy na wala namang ibang hangad kundi ang maghatid ng supply sa mga tropa natin nasa malayong isla.

Maliban sa mga coast guard at navy, pinatulan na rin ng mga ito ang ating mga mangingisda ng walang patumangga.



Mantakin niyong pati ang mga munting bangka ng mga ito ay binangga ng kanilang higanteng barko.Wala Naman ibang hangad ang mga pobre kundi mangisda at maka-kuha ng konting kabuhayan para sa kanilang pamilya.

Hindi pa dyan nagtatapos,biruin niyong iniwan pa ng mga ito ang mga kawawang kaba-bayan natin nakalutang sa laot na parang laruan na nagha-halakhakan pang palayo.

Meron ding insidente na matapos banggain ang barko ng ating mga coast guard at ninakawan pa ito ng kanilang mga armas, communication equipment at iba pang mga gamit.

Dito rin naputulan ng daliri ang Isang tauhan ng Philippine Navy dahil sa lakas ng impact ng pag-bangga sa kanila ng higanteng barko ng mga Tsekwa.

Inapila at pinaglaban ito ng ating gobyerno na dapat isoli ng mga Intsik ang mga armas at mga communication equipment na kanilang kinuha at bayarin din ang dalyos sa mga sirang bahagi ng barko nilang binangga.



Lumipas ang ilang araw, linggo at mga buwan ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring results at development sa nasabing insidente.

Hindi man lang daw nag-sorry at nag excuse me ang mga ito bagkus ay tayo pa ang sinisi at may kasalanan sa naganap na situasyon.

Wala rin silbi ang mga hinain nating mga diplomatic protest dahil Hindi ito ginagalang at nirerespeto ng kanilang gobyerno,DEDMA lang kumbaga.

Sa mga paulit-ulit ng mga ganitong pangyayari,Hindi lang tayo binu-bully kundi talagang binabastos at sina-salbahe na tayo ng mga beho.

Marami ang nagsasabing panahon na daw upang gamitin ang mutual defense treaty natin sa mga kaalyado nating mga Banda tulad ng Amerika, Japan, Australia at Canada.

Ito na daw ang takdang Oras upang isangguni natin sa ating mga kaalyadong bansa ang mga panlalait,harassment at pamba-bastos na gina-gawa ng China.

Dahil sa totoo lang, marami ang nagsasabing na talagang Hindi natin kayang pumalag, harapin at almahan ang China dahil sa laki at lakas ng kapangyarihan nito partikular na sa kanilang mga armas at sundalo.

Huwag na nating hintayin na dumating ang panahon na gawin na lang tayong mga manok at kakaning itik ng mga ito.

Sa situasyon ngayon,marami ang nagsasabing na hindi lang intensiyonal ang motibo ng mga ito kundi nagpro-provoke na talaga ito ng giyera at digmaan na siguradong Hindi natin kakayanin.