Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview ni Alden Richards sa PEP Exclusives, inamin niya na nakaranas siya ng anxiety attack nitong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Dalawang beses kasing nagpositibo sa Covid ang kanyang longtime personal assistant na si Tenten “Mama Ten” Mendoza.
“Si Mama Ten po actually nag-postive. Nag-positive po siya sa virus twice, but it was a false positive result. Kasi parang, I don’t know their… may mga sinasabi pero hindi naman po official, na kapag may high blood ka daw, automatic when you do RT-PCR, you will become positive,” kwento ni Alden.
Ang RT-PCR o Reverse Transcription-Polymerise Chain Reaction ay ang gold standard sa pagti-test kung may virus ang isang tao.
Dagdag pa ng aktor, “But I don’t know, that’s not what I know how swab testing works. Kasi swab testing especially may detect the Covid virus. I don’t know po kung may kinalaman sa external factors. But I’m just surprised with Mama Ten kasi wala siyang symptoms.
“Hindi po ako nag-positive ever sa RT-PCR and palagi ko siyang kasama, we live in one roof. So, weird lang po talaga minsan.”
Nu’ng unang nalaman ni Alden na nag-positive ang kanyang PA sa corona virus ay na-praning siya. Pero sa ikawang beses ay hindi na raw.
“Dun sa second time na nag-positive si Mama Ten, parang hindi na po ako ganun. Wala na po ako sa episode na ‘yun. After five days nagre-swab siya, and then the result is negative.
“So I don’t really know kung ano talaga ang magic ni RT-PCR.Bakit ganun po ‘yung nangyayari sa kasama ko? Bakit ganun ‘yung nangyari kay Mama Ten? Bakit parang false positive?”
***
MAY prequel ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2013 na “Four Sisters and A Wedding” na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao at Toni Gonzaga.
Ito ay ang “Four Sisters Before The Wedding.” Bida rito ang apat na most promising teen stars na sina Alexa Ilacad bilang si Bobbie (ginampanan ni Bea), Charlie Dizon as Teddie (played by Toni), Gillian Vicencio bilang si Alex (ginampanan noon ni Angel) at Belle Mariano as Gabbie (karakter ni Shaina). Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Sa ginanap na virtual mediacon ng FSBTW, inamin ni Direk Mae na naramdaman niya ang intense pressure nang tanggapin niya ito, lalo pa’t kasagsagan ‘yun ng franchise renewal issue ng Kapamilya Network.
“At that point, high ang emotions ko talaga that any project, whatever you give me, just so I could do my part to help, just so I can help create new content for the company, go, kung ano man iyan. So nu’ng sinabi ni Inang (Olivia Lamasan), sabi ko yes, go!,” sabi ni Direk Mae.
Patuloy niya,“Noong tapos na ‘yung call, nu’ng ilang days na, nag-sink in sa akin kung ano ba itong pinasok ko. Tama ba ‘yung decision ko na tanggapin ‘yung project, eh ‘Four Sisters’ iyan. Come on, napakalaking pelikula. Up to this day, it’s so relevant still. Hindi mamatay-matay ‘yung popularity niya. It’s such a classic film. This is the first project that I did during the pandemic.
“Major adjustment siya for me because time is of the essence. We only had limited shooting days, unlike before na we had double the number of shooting days. We had limited shooting hours as well. There’s no time for asking questions, for delays, nothing like that. The focus is to really isipin what will motivate me, what will motivate the team and everyone.
“I think we achieved that naman because we are happy with the output. We are happy sa naging samahan namin on set and the way we did it. Ang pressure, we set it aside and we all worked hard together to come up with this beautiful team.”
Kasama rin sa cast ng Four Sisters Before The Wedding sina Carmina Villarroel, Dominic Ochia, Clarence Delgado, Irma Adlawan, Kakai Bautista, Cai Cortez, Jameson Blake, Joao Constancia, Pinky Amador, Minnie Aguilar, Boom Labrusca, Jenny Miller at introducing sina Jeremiah Lisbo and Gigi de Lana.
Ang “Four Sisters Before The Wedding” ay mapapanood worldwide simula sa Dec. 11 via KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV and Sky Cable pay-per-view.