Advertisers

Advertisers

ANYARE NA SA GCASH NG MGA AYALAS?

0 79

Advertisers

Bakit tila sunud-sunod na ang mga sablay ng kumpanya ng mga Ayalas na GCash?

GCash is a mobile wallet service developed by Mynt, a subsidiary of Globe Telecom.

GCASH is a Philippine mobile payments service owned by Globe Fintech Innovations, Inc.with 76 million registered users as of 2023, accounting for 67% sa total na populasyon ng bansa.



Mynt, which operates GCash, is a partnership between Globe Telecom, the Ayala Corporation, and Ant Financial.

Si Martha Sazon ang tumatayong presidente at CEO ng Mynt, the holding company of GCash, the No. 1 Finance Super App in the Philippines.



Appointed as CEO in the middle of the COVID-19 pandemic, Ms. Sazon focuses on customer-centricity, which has propelled GCash into a lifeline for many Filipinos.

Ang mga Ayala at ang Japanese bank Mitsubishi UFJ Financial Group (MUFG) ang direktang nagpopondo sa GCASH.



Pero bakit ganun, habang tumatagal, tila sumasama ang serbisyo nito sa tao.

Dumarami ang mga GCASH users na nai-scam at literal na nananakawan ng kanilang pinaghirapang salapi.

Ang masakit, kahit barya-baryang pera na lubhang kailangan ng mga walang kalaban-labang mga kostomers ay nadadale.

Nananakaw gamit ang mismong mensahe na galing mismo sa GCASH na nagsasabing kailangang mag-update ng kanyang account ang mga kostomer.

Pagkatapos mag-update ang pobreng GCASH user, ayon na, nagka-letse-letse na ang pera nito.

Bigla na lamang magdi-disappear.

Magiging “zero balance” ang account mo.

Ang pinakahuling insidente nga na isinumbong sa atin ay perang nagkakahalaga lamang ng P8,000.00 na padala pa bilang tulong sa pag-aasikaso sana ng papeles ng isang ginang na mag-a-abroad.

Hindi kalakihang halaga pero pinatulan pa rin ng mga kawatan.

Hindi natin maiaalis sa mga nawawalang biktima na maghinala na posibleng “inside job” ito ng mismong mga sariling kawani o empleyado ng GCASH na incharged sa operations dahil nga sa mismong GCASH galing ang mga verification at update notices at hindi mula sa pribadong celfon user.

Ang nakakagulat, pati account names ng mga GCASH users at kayang palitan gaya na lamang ng kaso ni Josua na naging Jeric.

Hindi rin natin inaalis ang posibilidad na sinasabotahe ang kumpanyang ito ng mga Ayalas dahil sa sobrang higpit ng competition sa negosyong e-wallet.

Posibleng napasok na ng mga ispiya mula sa ibang e-wallet service provider ang GCash!.

Wala nga bang safeguard features ang GCASH para maproteksyonan ang pera ng kanilang mga kostomers?

Ang mahirap pa, dobleng pasakit ang aabutin ng GCash users sa pagbawi sakaling mabawi nga ang kanilang mga nanakaw/ nag-disappear na pera online.

Sandamukal na kaletsehan at proceedures ang gagawin ng isang naperwisyo na ngang kostomer sa paghabol ng kanilang nawalang salapi.

Makatarungan ba ito Department of Finance (DoF) at Bangko Sentral ng Pilipinas?

Saan sangay ba ng gobyerno dapat magreklamo ang mga GCash users sakaling mabiktima ng ganitong klaseng pambubudol.

Sa dami ngayon ng mga nabibiktimang mga GCash users, marapat lamang na maglagay na ng mga ‘help desk’ ang kumpanyang ito ng mga Ayala para mapabilis naman ang pagrecover sa mga perang nadudugas sa mga kaawa-awang kostomers ng mga scammers na ito.

Kailangan pa bang humantong sa husgado ang mga ganitong usapin gayong responsibilidad ng mga Ayalas at ni GCash President/CEO Martha Sazon ang kapakanan ng kanilang mga kliyente o kostomer?

Sa kasong ito ni Josua, bagamat masasabing maliit na halaga lamang ang kataka-takang nadugas mula sa kanyang GCash account, still isang malinaw na pagnanakaw ito ng isang higanteng kumpanya sa kanilang mga kostomer.

Hindi man tayo abogado, masasabi nating kasong “qualified theft” ito dahil nangyari ang pagkawala/pagnanakaw habang ang pera ay nasa pag-iingat ng kumpanyang GCash.

Hindi natin tiyak kung may hurisdiksyon dito ang Department of Information and Communications Technology (DITC) at kung puwede nilang imbestigahan ang mga ganitong klaseng “modus operandi” na maiko-consider na isang uri ng cyber crime.

Ang mahirap lamang, “David & Goliath” ang mga ganitong kaso kung saan isang higanteng kumpanya ang inirereklamo ng mga ordinaryong Juan dela Cruz.

Paniguradong mga de-kampanilyang abogado ang nasa frontline ng GCash ng mga Ayalas kung kaya’t tila walang pag-asang mabawi ng mga kostomers na ito mula sa GCash ang mga nadugas nilang pera.

Again, 76 million registered users na mga Pinoy ang kostomer ng GCash na kung hindi agarang gagawan ng aksyon ng mismong kumpanya o ng gobyerno ay posibleng humantong sa malaking gusot na sisira sa pangalan ng mga Ayalas at mga banyagang kasosyo nito.

What’s worst, baka mas marami pang problema ang magsulputan gaya ng ligalidad ng negosyong ito, buwis na ibinabayad ng GCash sa pamahalaan at ang mga malalaking tao “in power” na tumatayong protektor o “retainers” ng mga kumpanyang pag-aari ng mga Ayalas.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com