Advertisers

Advertisers

Pagsangkot sa mister ni VP Sara sa illegal drugs smuggling

0 61

Advertisers

SA kasagsagan ng balitaktakan sa politika kaugnay ng nalalapit na midterm election, na pundasyon ng 2028 presidential derby, biglang lumutang ang pangalan ni Atty. Manases “Mans” Carpio, ang mister ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio, nang maging resource person sa pagdinig ng House Quad Commitee ang dating Bureau of Customs (BOC) intelligence officer Jimmy Guban kaugnay ng multi-billion pesos worth of shabu na nasabat sa Port of Manila taon 2018, kainitan ng termino ni ex-President Rody Duterte.

Ibinunyag ni Guban ang grabeng korapsyon at sabwatan sa BoC. Binanggit niya ang mga pangalan ng indibidwal, kabilang ang mga dikit sa Duterte administration.

Ang tanging naging depensa ni Carpio laban sa mga ikinanta ni Guban ay ang itanggi ito, kasinungalingan daw at politically motivated.



Mahina ang depensang ito ni Carpio, masyadong mababaw, wala siyang specific counter-evidence laban sa mga detalyadong testimonya ni Guban.

Si Carpio ay isinangkot sa dalawang malaking drug importations sa bansa. Ito’y hindi na masasabing nagkataon lamang. Mismo!



Ang mga kritiko ay mas naniniwala sa pasabog ni Guban kesa depensa ni Carpio na masyadong malabsaw. Mababasa nga sa mga reaksyon ng netizens sa social media na mas nakakakuha ng simpatya ang nakakulong na Customs intel officer kesa mister ni VP Sara.

Si Guban ay nakasuhan at nakulong nang e-expose niya ang “Davao group” na aniya’y nasa likod ng smuggling ng magnetic iron lifters na naglalaman ng bilyones na halaga ng shabu sa PoM.



Ang mga akusasyon niya noon laban sa Davao group, na pinamumunuan daw nina Mans, kapatid ni VP Sara na si Polong Duterte at ang naging presidential adviser ni Digong na Intsik na si Michael Yang, ay ibinalik sa kanya at siya ang nagdurusa ngayon sa National Bilibid Prison. Six years nang nakakulong si Guban.

Hindi lang naman kasi si Guban ang nag-aakusa ng illegal drug smuggling laban kina Mans at Polong at Yang.

Hindi nga ba’t kinasuhan na ni dating Senador Antonio Trillanes ng illegal drug smuggling sa Department of Justice sina Mans, Polong, Yang, Konsehal “Small” at iba pa.

Maging ang sinibak ding opisyal ng PNP Drug Enforcement Group na si Col. Eduard Acierto ay ibinunyag ang pagkakasangkot sa droga ni Yang, dahilan para ipa-wanted siya (Acierto) ni Digong.

Makabubuti kay Mans na sumipot sa pagdinig ng Quad Committee, sagutin ng ebidensiya ang mga akusasyon laban sa kanya na sangkot siya sa illegal drugs smuggling. Period!

***

Nagwala si VP Sara nang tanungin siya ni Sen. Risa Hontiveros sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) kung ano ang nilalaman ng P10 million worth ng libro na ipapa-print niya at kung ilang batang mag-aaral ang mabibigyan.

Ang sagot ni VP Sara, pinopolitika raw ni Sen. Risa ang kanilang budget, tapos naglitanya ng pagmamakaawa raw ng tulong sa kanya ni Risa noong 2016 election. Araguy!!!

Anyway, ang laman pala ng libro ay tungkol sa pagkakaibigan ng isang ibong loro at kuwago.

Nawasak ng bagyo ang bahay ng kuwago. Tinulungan siya ng loro. Ito raw ang pagkakaibigan na walang iwanan.

Reaksyon ng netizens: Kabaligtaran sa katotohanan ang kuwento ni VP Sara. Kasi noong kasagsagan ng bagyong Carina ay lumipad si VP Sara sa Germany para manood ng concert ni Taylor Swift, habang ang mga naghalal sa kanya ay lubog sa baha.

Ang author ng libro ay si VP Sara mismo. Naka-print ng bold ang kanyang pangalan sa cover. Tapos taxpayers money ang gusto niyang gamitin sa pag-print nito. Tama ba ito?

Dapat sariling pera ni VP Sara ang gamitin niya sa pagpa-print ng kanyang libro. Pangalan niya ang nakabalandra rito eh. Mismo!