Advertisers
I
Naaresto ng Malabon Police ang isang babaeng tulak ng iligal na droga sa ikanasang buy- bust operation sa Malabon City nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Alias “Rosel “(User/Listed), 26 , ng Malabon City.
Sa ulat kay Malabon police chief PCol.Jay Baybayan, 12:35 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Riverside corner McArthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City, ng mga tauhan ng SDEU-Malabon CPS.
Nasamsam sa suspek ang shabu na may timbang na 14 grams at may Standard Drug Price (SDP) na P95,200.00.
Samantala, naging matagumpay ang ikinasang buy- bust operation ng District Drug Enforcement Unit sa ilalim ng superbisyon ni PMaj. Jeraldson L Rivera, Chief, DDEU.
Kinilala ang mga suspek na sina Alias ” Tan- Tan”, 43, ng lungsod; at isang 34-anyos na taxi driver, na residente din ng Caloocan.
Ayon kay Maj.Rivera, 9:35 ng gabi ng August 21, 2024, nasakote ang mga suspek sa kahabaan ng No. 22 Atis Street Barangay 142, Caloocan City, ng mga operatiba ng Northern Police District Drug Enforcement Unit sa tulong ng Bagong Barrio Sub-Station 5, CCPS, na may koordinasyon sa PDEA.
Nasamsam ng mga operatiba ang 15 grams ng shabu na may Standard Drug Price na PP102,000 na parehong nasa kustodiya ng police station.
Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.(Beth Samson )