Advertisers

Advertisers

Ang ‘kinopyang’ P10m kuwentong Kuwago’t Loro ni Inday Sara

0 76

Advertisers

MULING nalagay sa kontrobersiya at kahihiyan ang P10 milyong pondo na hinihingi ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio para sa pagpapa-print ng kanyang librong may pamagat na ‘Isang Kaibigan’, na ipamimigay kuno sa mga batang mag-aaral.

Ito ay kuwento ni Inday tungkol sa magkaibigang ibong kuwago at loro.



Nawasak daw ng bagyo ang pugad ng kuwago sa sanga ng punong Bangkal, sa ilalim ng dahon ng Banahaw. At inalok siya ng loro na sa kanya muna tumira habang hindi pa humuhupa ang unos. Ang magkaibigan, aniya, ay nagtutulungan lalo sa oras ng pangangailangan.

Napansin ng netizens na ang Banahaw ay isang bundok, hindi puno. Wala raw punong Banahaw. Ang meron ay Anahaw.

Hindi rin daw nagpupugad ang kuwago sa sanga kundi sa mga butas ng kahoy o sa hukay sa lupa. Tama!

May nagreak pang netizen na ang kuwento ni Inday ay kahalintulad ng nabasa niyang aklat na ‘Owly’, isang American graphic novel, na ang ibong kuwago ay tumutulong sa pag-repair sa mga nasirang bahay (pugad) ng kanyang mga kaibigang ibon.

Naakusahan pa tuloy si Inday ng pangongopya o plagiarism. Araguy!!!



Sagot ni Inday, hindi niya kinopya ang libro. Maaari aniyang magkapareho lang sila ng kuwento ng ‘Owly’. Ganun?

Balak pa nga raw niyang gumawa ng libro na ang pamagat ay “Pagtataksil ng Isang Kaibigan’. Ha ha ha…

Sino kayang kaibigang nagtaksil kay Inday ang pinatatamaan niya rito? ‘Di kaya si Pangulong “Bongbong” Marcos? Hehe…

Reak pa ng netizen sa kuwento ni Inday: “Ang magkaibigan ay nagtutulungan sa oras ng pangangailangan”.

Kung totoo raw si Inday na ang kaibigan ay hindi nang-iiwan lalo sa panahon ng pangangailangan, bakit niya iniwan ang mga bomoto sa kanya noong kasagsagan ng Bagyong Carina kungsaan lumubog sa baha ang maraming lugar sa bansa.

Matatandaan na habang binabayo ni Carina ang Pilipinas ay lumipad si Inday patungong Germany para lang manood ng concert ni Taylor Swift. At ang tanging palusot niya rito ay matagal na kasi siyang naka-book pa-Germany.

Balikan natin ang kuwagong libro ni Inday. Since pangalan niya naman ang nakabalandra sa cover ng aklat, na obviously ay istelo ng early campaining para sa ambisyon niyang pagtakbong presidente sa 2028, dapat ay naghanap nalang siya ng pribadong mag-iisponsor sa pag-print nito. Nandiyan naman ang multi-billionaire nilang kaibigang sina Michael Yang, Apollo Quiboloy, Peter Lim, Alice Gou at mga taga-Pharmally na kumita ng limpak-limpak noong termino ng kanyang ama (Digong) sa Malakanyang.

Unang una, hindi trabaho ng Vice President ang gumawa ng libro. Trabaho ito ng Department of Education. Kung may programa siyang hindi niya mandato, ipa-isponsor na lamang niya para walang gulo. Mismo!

Oo nga pala, isang netizen ang nag-suggest. Ang pinakamaganda raw na dapat ikuwento ni Inday ay kungsaan paano niya nilustay ang P125m sa loob ng 11 days, at kungsaan niya ginastos ang bilyones niyang intel fund noong alkalde siya ng Davao City. Tama!

***

Seryoso si Joseph Lumbad na maging kinatawan ng District 1 (Tondo) ng Maynila sa darating na halalan. Tatakbo siyang independent.

Makakalaban ni Lumbad ang incumbent 1st termer na si Ernix Dionisio, na eversince ay hindi nalaglag sa number 1 noong konsehal ito.

“Mabigat ang laban”, sabi ni Lumbad. “Pero laban ako.”

Pramis ni Lumbad, kapag nahalal siya, hindi siya kukuha ng suweldo ng kongresista. Ipamimigay daw niya ito da mahihirap, at bubuhusan niya ng proyekto ang Tondo 1.

Let’s go!, JOSEPH!