Advertisers

Advertisers

Sayonara Jaja!

0 9

Advertisers

Hindi alam ni Ka Berong kung maiinis siya sa balita o matutuwa siya sa dating N.U. star.

Ganap ng Japanese national kasi si Jaja Santiago, ang volleybelle star na isinilang at sumikat bilang Pinay.

Nasa Japan na siya naglalaro at asawa ng isang Hapon na volleyball coach.



Pinili niyang maging citizen ng bansa ni Rui Hachimura ng LA Lakers upang maging Olympian. Hindi kasi siya naniniwala na makakapasok ang Pinas sa Summer Games.

Komo may alok sa 6’5 na player maging Hapon at tutal misis na siya ng isang Japanese at doon na siya naninirahan ay pumayag na ang naging bahagi rin ng UST VT..

Natupad nga pangarap ng isang kababayan nguni’t tinalikuran naman niya ang bayang sinilangan at nagturo paano maging mahusay na atleta. Paalam Sachi Minowa aka Alyja Daphne Antonio Santiago.Kalungkot!

***

Nadaig ng UAAP ang PBA pagdating sa sariling tahanan. Matagal na kasi plano ng pro league na magpagawa ng sariling arena pero ang pangunahing liga ng mga unibersidad pormal ma naghayag na uumpishan na ang Home of the UAAP at target matapos sa loob ng tatlong taon.



Katuwang nila sa 6,000-seater na venue ang Akari at itatayo sa Bridgetown sa Pasig.

Hindi naman ito pag-aari ng entity kung saan Executive Director si Rebo Saguisag pero may mahabang kasunduan sila ng paggamit nito sa mga indoor game. Yung mga major game ay gaganapin pa rin sa MOA at Araneta.

Magandang marketing gimik ng Akari at Bridgetown. Good public image naman para sa UAAP. Win-win sa tatlo.

***

Sa Lunes ay espesyal na bisita natin ang bronze medalist na si Aira Villegas sa OKS@DWBL. Makakasama ng boksingera si PSC Commissioner Fritz Gaston at ABAP Sec Gen Marcus Manalo sa programa nating hatid ng Biofresh socks at underwears.

Co-host natin ang batikang sports columnist Lito Cinco.