Advertisers
KAYA pala kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) sa pagpahayag na nagtatago sa ilalim ng lupa o bunker ang puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) na si Apollo Quiboloy ay dahil na-detech ito ng satellites sa tulong ng Amerika.
Ang bunker daw na pinagtataguan ni Quiboloy ay nasa ilalim ng arena ng KOJC. Plano itong pasabugin ng pulisya.
May duda rin na ang umano’y “bulto bultong pera” ni dating pangulo Digong Duterte ay nakatago sa bunker na pinagtataguan ngayon ni Quiboloy. Kaya siguro ganun nalang ang pagkahabala ni Digong nang pasukin ng pulisya 30 ektaryang KOJC compound na mayroong 50 istraktura, kabilang ang malaking arena.
Si Quiboloy ay naging presidential adviser ni Digong, at ipinagkatiwala niya sa huli ang pamamahala sa kanyang mga ari-arian habang siya’y nagtatago sa batas.
Si Quiboloy ay may arrest warrants sa dalawang korte sa bansa, sa Pasig Regional Trial Court at sa Davao City RTC na inilipat sa Quezon City RTC.
Siya ay kinasuhan ng panggagahasa at qualified human trafficking, na parehong walang piyansa.
Bago nagtago si Quiboloy, nakitang magkasama sila ni Digong at ng ilang politikong kaalyado sa isang restoran sa Davao City.
Ang mga kaso laban kay Quiboloy ay isinampa noong termino pa ni Duterte, pero hindi ito umusad sa husgado lalo sa Department of Justice (DoJ), kungsaan apat na taon umano na inupuan ng Justice Scretary noon ni Digong.
Nang matapos ang termino ni Digong noong 2022, doon lamang gumalaw ang kaso at nahatulan ng ‘guilty’ ang self-proclaimed ‘Son of God’.
Bukod sa mga kaso ni Quiboloy sa ating regional courts, wanted din siya Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Amerika dahil din sa mga kasong rape, human trafficking, fraud at dollar smuggling.
Ito siguro ang rason kaya tinutulungan ng Amerika ang PNP para maaresto si Quiboloy dahil sa mga kinakaharap na kaso nito sa Estados Unidos. Mismo!
May arrest warrant din si Quiboloy sa Senado ng Pilipinas dahil sa paulit-ulit na hindi pagsipot sa mga pagdinig sa mga reklamo laban sa kanya ng mga kababaihan at dating mga miembro na umano’y kanyang inabuso.
Ang mga kaalyado namang politiko ni Quiboloy tulad ng mga Duterte at ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay ginagawa ang lahat para maharang ang mga operasyon ng pulisya para sa pag-aresto kay Quiboloy, kahit na sila’y lumalabag na sa batas ng ‘obstruction of justice’.
Nang lusubin ng mahigit 2,000 miembro ng PNP ang KOJC compound, sumugod dito si Sen. Bato at pinalalabas ang mga pulis.
Tinuligsa naman ng Dutertes ang ginawa ng pulisya. Overkill daw ang operasyon at dapat nang lisanin ang KOJC compound.
Sabi ng netizens, “ang galing magprotekta ng mga Duterte at ni Bato sa mga kaibigan nilang kriminal pero no talk sa mga ginagawa ng China na pagbangga sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea, tapos sasabihin nila makabayan sila?”. Oo nga!
Sa kabilang banda, suportado ng Malakanyang ang ginagawang mga operasyon ng pulisya para maiharap sa husgado si Quiboloy at apat pang kapwa niya mga akusado na mga opsiyal ng KOJC. Tuldukan!