Advertisers

Advertisers

Jake Zyrus pina-Tulfo ng lola sa pagpapabaya

0 228

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULING nabuhay ang isyu tungkol kay Jake Zyrus at sa relasyon nito sa inang si Raquel Pempengco at lolang Tess Pineda.

Dumulog kasi ng tulong kay Raffy Tulfo ang lola niyang si Tess para sa kanyang medical check up.



Tatlong araw na raw kasi siyang high blood at masama ang pakiramdam.

Noong nakaraang taon, na-stroke raw kasi siya at napatiran daw ng ugat sa batok kaya hirap siyang maglakad.

Pumunta raw siya sa anak niyang si Raquel sa Pagbilao pero lumayas daw siya sa pamilya nito dahil namamaltrato siya.

“Lagi akong minumura ni Raquel,” sey niya.

“Ano po bang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako? Nagsikap naman po ako sa buhay ko. Nagpundar ako. Pagkagaling ko sa Saudi, wala na po akong pinundar kahit isa,” dugtong niya.



Sa nasabing video, nagbigay din siya ng mensahe sa apong si Jake aka Charice.

“Charice, bakit mo ko ginanito, anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo,” himutok niya.

“Pero ang lola mo kahit piso, di mo naaalala. Kung ako’y naging masamang ina, kung ako’y naging masamang lola, sakin pa rin kayo nagmula,” pahabol niya.

Marami naman ang nakisimpatiya kay Tess sa ginawa nitong pagbubunyag sa kanyang anak at apo.