‘Anak ng Macho Dancer’ reunion movie nina Rosanna, Allan at Emilio; Direk Joel napahanga sa bagong Osang
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya, nakasama ni Rosanna Roces si Allan Paule noong 1997 at sa parehong taon si Emilio Garcia na kanya namang leading man sa Selosa at Mapusok (1998).
After mahigit dalawang dekada ay magkakasama ang tatlo sa “Anak Ng Macho Dancer” na nagsisilbing reunion movie ni Osang kina Allan at Emilio.
Martir na wife sa walang kuwentang mister ang gagampanan ni Osang sa pelikula at siya ang nanay ng Anak ng Macho Dancer na baguhang si Sean de Guzman.
Grabe, kapag napanood daw ito ay ibang Rosanna Roces ang mapapanood, na pati ang director ng film na si Joel Lamangan ay napahanga sa kanyang mga artista na hindi lang magagaling kundi de-kalibre. Isa pang bago kay Direk Joel ay ang maagang pagdating lagi sa set ni Osang, bagong-bagong Rosanna ang kanyang nakita na kahit may bagyo ay dumating sa set para mag-shooting. Ito naman talaga ang ipinangako ng kaibigan naming actress, babawi siya kay Direk Joel na pinasakit niya ang ulo during the filming of Hustisya na movie nila noon ni Nora Aunor.
Aside sa Anak ng Macho Dancer, kabilang si Rosanna sa cast ng “Suarez The Healing Priest” na si John Arcilla, ang bida na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2020 Digital Edition at si Joven Tan ang director.
***
Bago Ang Virtual Concert, Myrtle Sarrosa At Atty Ferdie Topacio Nakitang Magkasama Sa Class Na Resto
Artista at tinutulungan ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio ang bagong Kapuso singer-actress na si Myrtle Sarrosa, na naging matagumpay ang first major solo virtual concert titled: “Myrtle Still Love Me,” na kinunan sa Teatrino Promenade sa Greenhills at ipinalabas last Nov. 28 sa digital. Yes, aside sa maraming nanood ay bawing-bawi sina Atty. Ferdie sa rami ng sponsors ng concert ni Myrtle na mahusay palang performer and ang taray ng show dahil live band talaga ang kinuha ng Lawyer for all Seasons para kay Myrtle so big budgeted talaga ang first solo concert nito.
Pero may issue sa dalawa na bago raw ang concert ay nakitang nag-date sila sa isang class na resto, na tila sweet sa isa’t isa. Mukhang may katotohanan ang rumor na si Myrtle ang bagong special girl sa buhay ni Atty. Ferdie.
Well, kung totoo ito ay wala na tayong pakialam sa happiness ng dalawa. Saka lucky si Myrtle at alaga siya ng Borracho Film na nabigyan siya ng proyekto sa gitna ng pandemya.
***
Dabarkads Pwede Nang Maging Vlogger Sa Let’s Vlog It Sa Eat Bulaga
Parami ang vloggers sa Youtube at Facebook. Yes, parang kabute na biglang nagsulputan na lang ang mga ito.
Ngayon para sa Dabarkas na tagapanood ng Eat Bulaga, aba’y may chance na kayong maging vlogger sa “LET’s VLOG IT” at may naghihintay sa inyong magandang premyo.
At kung napanood mo na ang mga kasali sa segment na ito ay I-LIKE na ang video na bet ninyo na entry sa Let’s VLOG IT! Pumunta na sa Youtube Channel ng Eat Bulaga na may mga Dabarkads! https://bit.ly/LVIw6.
Like and Subscribe na mga Dabarkads. In all fairness, may ibubuga sa vlogging ang ilan sa aming mga napanood na with matching props pa. Pwedeng mag-join dito ang solo o grupo. Isa ang Let’s Vlog It, sa segment sa Eat Bulaga na nakaaaliw at masayang panoorin.