Advertisers

Advertisers

MADALAS NA BROWNOUT AT MATAAS NA SINGIL SA KURYENTE, PINASISIYASAT SA KAMARA

0 14

Advertisers

NAGPASA kamakailan ng resolusyon ang municipal council ng Roxas na nananawagan ng congressional inquiry sa “exorbitant rate of electricity being charged by the Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) at ang madalas na brownout na nararanasan ng mga consumer.”

Ipinasa ng konseho ang Resolution 537, Series of 2024, na humihiling kay 1st District Rep. Arnan Panaligan at 2nd District Rep. Alfonso Umali, Jr. na maglunsad ng inquiry sa tulong ng batas at tingnan ang mataas na singil sa kuryente at ang araw-araw na pagkawala ng kuryente na nagdudulot ng abala sa mga residente at pagkagambala sa mga negosyo sa lalawigan.

Ayon sa resolusyon, nagpahayag ng pagkabahala ang mga mamimili sa karagdagang pasanin dulot ng biglaang pagtaas ng singil sa kuryente.



Ayon kay Panaligan inihahanda na ng kanyang tanggapan ang resolusyon at magbibigay ng update kung kailan siya maghahain para sa request of inquiry.

Samantala, sinabi din ni Umali na nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa tanggapan ni Panaligan.

Samantala, ayon sa naging ulat ng The Manila Times sinabi umano ni Ormeco general manager Engr. Humphrey Dolor na malugod nilang tinatanggap ang resolusyon para sa isang congressional inquiry dahil ito ay magbibigay liwanag sa sitwasyon ng kooperatiba at sa dynamics ng pagkuha ng power supply.
Ilang taon na ang problemang brownout sa Oriental Mindoro na hinahayaan lamang ng mga namumuno sa Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na magdusa ang mga mamamayan na mamuhay sa karimlan.

Paano kaya natitiis ni ORMECO General Manager Engr. Humphrey Dolor at Governor Humerlito Dolor na ang kanilang mga kababayan na walang ilaw, hindi magamit ang mga electrical appliances dahil walang dumadaloy na kuryente.

Ang matindi pa, sa kabila ng nararanasang walang kuryente, mataas pa rin ang binabayarang konsumo. Nakagugulat na mataas ang electricity bill ng consumers kahit walang naihahatid na serbisyo.



Sa totoo lang hindi na makatao ang nangyayari na napagkakaitan na ng kuryente ay mataas pa ang babayaran. At dahil sa patay-sinding kuryente, maraming nasisirang appliances.

Ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) ang nag-iisang power distributor sa probinsiya na halos araw-araw inuulan ng batikos ang kooperatiba dahil sa palpak nilang serbisyo. Subalit tila hindi na nakakaramdam ang mga namamahala sa Ormeco kung paano mapagbubuti ang serbisyo nila?

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.