Advertisers

Advertisers

‘Pinakamalaking sa Caloocan City hinati sa 6 barangays

0 16

Advertisers

Nanalo ang botong ‘yes’ sa ginanap na plebesito kahapon para sa paghahati ng Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa COMELEC, 22,854 o 89.84% ng mga bumoto ay nagsabing pabor sila sa paghahati ng Bagong Silang sa anim na mga barangay habang 2,584 o 10.16% ang bumoto ng ‘no’.

Dahil dito, pormal nang mahahati sa anim na mga barangay ang Barangay 176 na kikilalanin bilang Barangay 176-A (Phase 1 & 4), Barangay 176-B (Phase 2, 3 & 5), Barangay 176-C (Phase 7), Barangay 176-D (Phase 8, Barangay 176-E (Phase 9), at Barangay 176-F (Phase 10).

Buong pusong nagpapasalamat si Congressman Oca Malapitan sa mga mamamayan ng Bagong Silang para sa kanilang tiwala at suporta sa kaniyang iniakdang batas na naglalayong hatiin ang Bagong Silang sa anim na mga barangay para sa mas mabilis at epektibong implementasyon ng mga programa at serbisyo.

“Sa lahat ng mga taga-Bagong Silang, umasa po kayo na hindi masasayang ang inyong boto at titiyakin natin na magiging daan ito para sa mas maayos at mas maunlad na komunidad,” pahayag ni Cong Oca.

Samantala, ipinahayag ni Mayor Along Malapitan ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa resulta ng plebisito at binanggit na makikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa Commission on Elections (COMELEC) sa lalong madaling panahon para sa pagtatalaga ng mga kwalipikadong opisyal ng barangay.

Tiniyak din ni Mayor Along sa kanyang mga nasasakupan sa mga bagong tatag na barangay na ang mga benepisyong kanilang natatanggap bago ang dibisyon, patuloy na ibibigay ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng mga bagong administrasyon ng barangay.(BR