Advertisers

Advertisers

Miembro ng Sayyaf patay sa engkwentro sa Zambo

0 228

Advertisers

TODAS ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf nang makaengkwentro ang mga pulis sa Sibuco, Zamboanga del Norte nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa PNP Anti-Kidnapping Group, nakipagpalitan ng putok si Jupuri Dais nang ise-serve ng mga awtoridad ang arrest warrant sa kaniya na may koneksyon sa kasong kidnap-for- ransom at serious illegal detention.
Nabatid na dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si Dais bago lumipat ng Abu Sayyaf.
Sangkot umano si Dais sa pagdukot sa isang Martina Yee noong 2016, sa Duterte couple noong 2017, at ang Ruda couple at Javier family noong 2018. Lahat ng mga biktima ay napalaya matapos magbigay ng ransom ang kanilang mga pamilya.
Batay sa impormasyong nakalap ng PNP-AKG, si Dais ay naatasan na magmanman sa mga prospek na biktima sa Sibuco.