Advertisers
UMABOT na sa 15 katao ang naiulat na nasawi sa nagdaang bagyong “Enteng”.
Ito ang sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Director for Operations Service Cesar Idio sa isang situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Camp Aguinaldo nitong Miyerkoles.
Ayon kay Idio, bukod sa nasawi, aabot din sa 15 ang sugatan at 21 pa ang nawawala.
Matatandaan na binaha ang ilang lugar sa bansa dahil kay Enteng.
Ayon sa PAGASA, nakalabas na si Enteng sa Philippine Area of Responsibility nitong Miyerkoles ng 4:00 ng umaga.