Advertisers

Advertisers

Juliana nanapak ng bully; Paolo pinanghihinayangan ni Manay Lolit ang talento

0 15

Advertisers

Ni Archie Liao

NAGTATAKA ang beteranang talent manager at showbiz journalist na si Manay Lolit Solis kung bakit tila hindi niya nasilayan si Paolo Contis sa pinakabagong GMA-7 station ID.

Actually, nandoon naman ang aktor pero hindi prominent ang appearance nito sa nasabing plug.



Sey niya sa Instagram: “Salve ang ganda ng station ID ng GMA. Medyo hinahanap ko lang si Paolo Contis dahil parang di ko nakikita sa mga inilalabas nila.”

Hirit pa niya, nanghihinayang daw siya dahil solid na Kapuso pa naman ang aktor at hindi matatawaran ang dedikasyon nito pagdating sa trabaho.

Dagdag pa niya, mas may premium daw ang aktor kung ikukumpara sa ibang talents ng istasyon.

Gayunpaman, ipinauubaya raw niya kung ano ang plano ng network sa talentadong aktor.

“Solid GMA pa naman si Paolo at compared naman sa iba mas may premium naman. Pero I leave it to GMA dahil mas alam nila ang dapat gawin sa mga stars nila,” pahayag niya.



“Nanghihinayang lang ako dahil alam ko ang capacity ni Paolo Contis as actor pero hindi siya nasasama sa mga serye. Hintayin na lang natin baka may magaganda naman silang naiisip para kay Paolo Contis,” pahabol niya.

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Manay Lolit na walang masamang tinapay sa aktor dahil hindi ito iyong tipong reklamador o may ére.’

“Hindi naman reklamador si Paolo kaya wala kang maririnig mula sa kanya. Basta naniniwala ako na you can never put a good actor down, magtatagal siya dahil talented siya. Wait ka lang Paolo, your time will come. Shine more,” pagtatapos niya.

Si Paolo ay huling napanood sa “Magpakailanman” sa episode na “A Son’s Karma” noong nakaraang buwan.

Ang dalawa rin sa mga pelikula niyang “A Journey” at “Fuschsia Libre” ay kasalukuyang napapanood sa Netflix.

***

Juliana, ‘nanapak’ ng bully
MASAYA si Richard Gomez na sa edad na 23 ay marami nang achievements ang anak na si Juliana Gomez.

Katunayan, hindi nga raw sila aware na maggra-graduate itong cum laude sa UP sa kursong Public Administration.

Lately na lang daw nito sinabi sa kanila.

Hirit pa niya, hindi rin daw sila nakialam sa kanilang unica hija sa pagpili nito ng nasabing kurso.

Kusang loob daw na desisyon nito ang magpakadalubhasa sa public administration lalo pa’t nag-enroll na rin ito para sa kanyang masteral degree sa nabanggit na iskul.

Hindi rin daw niya masabi kung susunod sa yapak nila ng misis na si Lucy Torres ang anak sa pamamayagpag nila ngayon sa pulitika.

Bukod sa academics, happy din si Goma na nag-eexcel sa sports si Juliana.

Bata pa raw kasi ay sumasama na ito sa kanya sa fencing.

Later, nagkainteres din daw ito sa volleyball kung saan naging bahagi rin ito ng isang koponan sa iskul.

Sa panayam ni Ogie Diaz, natanong din ng talent manager turned vlogger si Goma kung na-bully na ang anak.

Sey pa niya, tinuruan din daw niya ng self-defense ang kanyang darling daughter para marunong itong ipagtanggol ang sarili.