Advertisers
Ni Favatinni San
NAGULAT ang televiewers ng ASAP, Sunday musical variety show ng ABS-CBN na may song and dance number si Chloe San Jose, ang kontrobersiyal na girlfriend ni 2 gold medalist sa Paris Olympics na si Carlos Yulo. Aba, may bansag pa sa kanya na woman of the hour.
Habang pinapanood ang performance ni Chloe, sunud sunod ang negatibong reaksiyon sa kanya. Huwag na raw ito mag ilusyong maging singer at mag-concentrate na lang mag vlog. Pero, may nasagap kaming sitsit, may follow up guesting pa raw si Chloe. Well, ano kaya reaksiyon ng winner sa singing contest sa It’s Showtime?
***
DIREK ROMM BURLAT, MEMORABLE SA 5 CONTINENTS SA INTL. FILM FESTIVAL
SA rami ng mga awards na natatanggap ngayon ni direk Romm Burlat, naging byword ang mahusay na director, actor, host, singer and producer. Hanga ang showbiz industry sa kanyang kasuotan sa mga awards nights, nanalo siyang star of the night at best dressed.
Siyanga pala, may napanood ako 2 pelikula ni direk Romm na “Covered Candor” at “Moon Whispers,” mula sa Romantics Entertainment Production na sa 5 Continents Intl. Film Festival sa Venezuela. Only these 2 films in Southeast Asia which made it to the cut. Ang Covered Candor (Tutop) ay nanalo ng anim na awards, best supporting actor si direk Romm, special mention best screenplay, sound design and best art direction, nanalo di direk Marvin C. Gabas at best lighting, Vince Bustos. Matindi rin ang role, iba’t ibang emosyon ni direk Romm. Kasama niya sina Ron Macapagal, Faye Tagonon at Angelo Tiangco. Sa international filmfest ay nagwagi si Joaquin Domogaso ng best actor para sa “Boy in the Dark.”
Sa Gawad Bayaning Pilipino, 2 sila ni Chito Roño na pinarangalan in Asian Pillar Creative Excellence in filmmaking, “Natatanging Director Ng Asya.”
Congrats direk Romm, unstoppable in recognizing your achievements, local man o abroad.