Advertisers

Advertisers

Rhian binatikos ng supporters ni VP Sara

0 16

Advertisers

Ni Jovi Lloza

SA ibinahaging larawan ni AJ Raval sa kanyang IG na kasama ang bf na si Aljur Abrenica, makikita na magkayakap ang dalawa na sweet na sweet.

Habang nakatingin sa isa”t isa at nakangiti na maraming netizens ang natuwa aa larawan na magkayakap sina AJ at Aljur.



Taong 2022 nang maging sila and till now ay sila pa rin.

Ipinagmalaki pa ng magdyowa na going strong ang kanilang relasyon.

Samantala, pinabulaanan ng magdyowa na anak na nila ang batang kasa kasama nila kamakailan lang.

Kahit ang ama na si Jeric Raval ay sinabi na wala pang anak si AJ at ang bata nga raw na kasama nila ay apo ni Jeric na si Ace.

Kahit naman si Jeric ay natuwa sa pagiging going strong ng relasyon ng kanyang anak at bf nito na si Aljur.



Pahabol pa ni Jeric na kung bakit di na ito nakikita sa showbiz, ito nga raw ay dahil huminto na ito sa pag aartista.

***

SA latest post sa IG ni Rhian Ramos kita ang isang video na kung saan ay nagli lipsync ito ng trending ngayon sa socmed.

Habang nag e emote sa harap ng kamera at may pa-caption pa nga ito na she never like to home but Shimenet like.

At ano ba ang ang trend na Shimenet? Ito ay tungkol sa pagtatanong kay VP Sara Duterte kung paano nito nagastos ang P125M sa loob lamang ng 11 days.

Binira si Rhian ng mga tagasuporta ni VP Sara na di naman bagay sa actress ang ginawa nitong Shimenet trending sa kanyang socmed at napaka TH at OA lang daw ang peg nito, ayon pa sa basher.

Ani pa ng basher na tagasuporta ni VP Sara na kahit ano pa raw gawin nito ay never naman daw ito magiging VP ng bansa.

Well, well, well… ‘Yun na!