Advertisers

Advertisers

2 Nag-iwan ng sasakyan na may bangkay ng lalake tiklo sa Laguna

0 43

Advertisers

Arestado sa isinagawang hot pursuit at follow up operations ng Sto. Tomas City Component City Police Station, Batangas Provincial Intelligence Unit (BPPO-PIU), Calamba Component City Police Station at Naval Security Group ng NCR nuon gabi ng Sabado September 7, 2024 sa Barangay Turbina sa Lungsod ng Calamba Laguna ang dalawang salarin na nag-iwan ng Toyota Innova na kulay silver na mayroon temporary plate number na A3F183 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. San Rafael ng Sto. Tomas City, nuon gabi ng Biyernes September 6, 2024 na nadiskubre ng mga otoridad na mayroon bangkay ng isang lalaki na hinihinalang isang pulis na hindi pa pinangalananan at  pinaslang di umano sa ibang lugar bago iniwan.

Kinilala ang mga nasakoteng salarin sa mga alyas na “Carlo”, 26 , Operations Director ; at si “Jaymaril”, 29-anyos, Supervisor, kapwa nagtatrabaho sa di pinangalanan na kumpanya at mga residente sa Barangay Parian, Calamba City, Laguna.

Ayon kay Sto. Tomas City Police Chief PLt.Colonel Apolinario Lunar, namukhaan ang mga salarin makaraang makuhanan ng mga CCTV sa lugar na pinag iwanan ng sasakyan na may lulan ng bangkay ng lalake kaya’t agad nilang sinundan sa pinagtataguang safe house sa Barangay Parian, natiyempuhan at hinarang umano ng mga pulis ang mga salarin habang papatakas at papasok ng Turbina Tollgate ng South Luzon Expressway patungo sa direksyon ng Metro Manila.



Narekober sa posisyon ng dalawang salarin ang isang Glock 19, 9mm caliber pistol with serial number BLB 660 na loaded isang magazine at 11 piraso ng mga bala na issued firearm ng biktima at ang Toyota Vios na kulay red may plakang DAU 9163.

Hindi naman kinukumpirma pa sa media ni PLt.Colonel Lunar ang pagkatao ng biktima at ang motibo ng mga salarin sa ginawang pamamaslang na mahaharap ngayon sa kasong Murder.(KOI LAURA)